Mensahe ni Chie Filomeno kay Kyle Echarri: How I wish masabi ko sa kanya na wala siyang kasalanan…
IN FAIRNESS, mas nagiging open na ngayon ang Kapamilya actress at dating “Pinoy Big Brother” season 10 celebrity housemate na si Chie Filomeno patungkol sa kanyang personal life.
Aniya, talagang malaki na ang ipinagbago niya mula noong maging bahagi siya ng long-running reality show ng ABS-CBN.
At kahit hindi siya ang naging big winner, wala raw siyang naramdamang kahit kaunting pagsisisi sa desisyon niyang pumasok sa Bahay ni Kuya.
“I have no regrets at all. As in my time there was enough. I’m grateful meeting all these wonderful people and also kay Kuya, sa lahat ng learnings na natutunan ko sa Bahay,” pahayag ni Chie sa isang panayam.
Nagsalita rin ang dalaga tungkol sa sinabi noon ni Kyle na sinisisi nito ang sarili sa maagang pagpapalayas sa kanya sa “PBB 10” celebrity edition.
“Nalungkot ako na yun yung naisip niya kasi wala akong power para iparamdam sa kanya kasi nasa loob siya tapos nasa labas ako.
“How I wish masabi ko sa kanya or maparamdam ko sa kanya na hindi niya kasalanan kung bakit ako natanggal sa PBB.
“It’s not his fault. Ngayon nagkakausap naman kami. Nagkikita rin. Kasi ang dami ring events kaya nagkikita kami,” pahayag ni Chie.
View this post on Instagram
Samantala, muling nilinaw ng model-actress ang tungkol sa umano’y viral scandal video nila ng Hashtags member na si Zeus Collins.
Sey ni Chie, “Ang tagal-tagal na nu’ng issue na yun and alam naman nating lahat na fake news yun. Nakakalungkot lang kasi yung mga tao, ang source nila of news ngayon, hindi sa actual platform na pagkakatiwalaan kundi sa Facebook at TikTok.
“Wala namang problema kung mag-Facebook at TikTok, okay lang naman. Pero know your information and alamin niyo naman kung totoo ba ito or hindi.
“At saka bakit naman namin gagawin yun. May girlfriend yung tao at saka ang malungkot kasi may nadadamay na tao. Yun lang yung malungkot talaga.
“So guys, it’s fake news. Ang tagal na. As in years ago pa. Tinatawanan na nga lang namin tapos yung mga tao they make such a big deal out of it na alam mo namang hindi totoo,” lahad ni Chie.
Sa ngayon, wala raw siyang dyowa at hindi rin siya nakikipag-date, “Ngayon single. Dating hindi rin. Siguro kasi pagka may pina-priority ka, hindi talaga pumapasok sa isip mo yung love life. Career muna.”
https://bandera.inquirer.net/299919/chie-filomeno-tumigil-sa-pagsasayaw-matapos-ma-bash-dahil-sa-viral-video
https://bandera.inquirer.net/298797/chie-filomeno-mine-message-na-ni-kyle-bago-pa-sila-pumasok-sa-pbb
https://bandera.inquirer.net/299497/chie-filomeno-walang-galit-kay-madam-inutz-shes-still-one-of-my-big-4
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.