Pari sa viral ‘Ting Ting Tang Tang’ dance challenge walang nilabag na batas ng simbahan, hindi parurusahan

Pari sa viral 'Ting Ting Tang Tang' dance challenge walang nilabag na batas ng simbahan, hindi parurusahan

Si Fr. Dennis Boltron at ang mga sakristan sa viral video

KINAMPIHAN ng archdiocese ng Cebu ang isang pari at mga sakristan nito matapos kastiguhin ng ilang netizens nang mag-viral ang kanilang Tiktok dance challenge na ginawa sa loob mismo ng simbahan.

Maraming bumatikos sa ginawa ng pari dahil para sa kanila hindi tama ang inasal nito lalo pa’t nasa loob sila ng simbahan at nagsasagawa ng misa.

Ayon kay Msgr. Joseph Tan, ang spokesperson ng Archdiocese of Cebu, naniniwala silang hindi “moral issue” ang pagsasayaw ng paring si Fr. Dennis Boltron habang ginaganap ang Simbang Gabi sa Santo Tomas de Villanueva Parish Church sa Danao City noong December 18.

Wala raw intensiyong maka-offend o mambastos ang nasabing pari nang umindak-indak ito para sa usung-uso ngayong “Ting Ting Tang Tang” dance challenge kasama ang ilang sakristan.

Paliwanag ni Msgr. Tan, bahagi lamang daw ito ng kanilang fundraising project para sa mahihirap na staff at personnel na nangangalaga ng kanilang simbahan.

“It was a nonissue except that it may offend the sensitivities of some in terms of propriety, but it is not a moral issue.

“Some may feel it is inappropriate, but it was done outside of the Mass,” pahayag ng pari base sa ulat ng Inquirer.net.

In fairness, maririnig naman sa viral video si Fr. Boltron na nagpapaliwanag hinggil sa ginawa nilang pagsasayaw sa harap ng altar at sinabi nga nito na para iyon sa kanilang fundraising project.

Ayon pa kay Msgr. Tan, ang nais lamang daw ni Fr. Boltron ay magpasabog ng “holiday cheer.” Aniya, ang ginawa ng viral priest ay hindi ine-encourage pero hindi naman daw ito kailangang patawan ng parusa.

Dagdag pang pahayag ni Msgr. Tan, mas okay daw sana kung tinanggal muna ng pari ang kanyang vestments o abito bago sumabak sa “Ting Ting Tang Tang” dance challenge.

Pari sa Cebu nagsayaw ng ‘Ting Ting Tang Ting’ sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay

Slater Young kumasa sa ‘Ting Ting Tang Ting’ dance challenge

Robi naging sakristan noong high school; paalala sa mga botante, wag nang magpabudol sa 2022

Read more...