Neri Miranda super shopping sa ukay-ukay sa Baguio: Wagwagan na! Magaganda at siyempre mas mura!

Neri Miranda super shopping sa ukay-ukay sa Baguio: Wagwagan na! Magaganda at siyempre mas mura!

Chito Miranda at Neri Miranda

SHOPPING galore ang ginawa ng aktres at matagumpay na celebrity entrepreneur na si Neri Naig-Miranda nitong nakaraang araw.

Pero hindi sa mga sosyaling shopping mall namasyal at namili ang wais na misis ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda. Rampa kung rampa si Neri sa mga ukay-ukay sa Baguio.

Talagang ibinandera at ipinagmalaki ni Neri ang pagpunta niya sa iba’t ibang ukay-ukay store sa Baguio kasama ang ilang kapamilya at kaibigan.

Ibinahagi pa ng celebrity mom sa madlang pipol ang mga nabili niya sa ukay kabilang na nga riyan ang Salvatore Ferragamo na flat shoes na natawaran niya ng P800.

“Dating gawi! Wagwagan naaaa! Medyo sumakit kamay ko kakahanap ng magaganda at syempre mas mura, hehe!


“Sa ukayan kami bumibili ng mga damit namin since high school hanggang mag college dito sa Baguio,” simulang kuwento ni Neri sa caption ng kanyang Instagram post.

Pagbabahagi pa niya, “Mas mura sa bandang palengke, sa may taas. Nakabili ako dati ng trench coat na P20. Nu’ng grade school kami, sa palengke lang. Kase di pa uso ang ukayan noon sa Subic.

“Sa may bandang Burnham kami pumunta, yung tapat ng Caltex at Veniz Hotel. Marami ring mura, tyagaan lang talaga,” chika pa ng wais na misis.

Ayon pa sa aktres, nanunuot sa buto ang lamig sa Baguio kaya payo niya sa lahat ng magpupunta roon ay magdala ng makapal na jacket para mas ma-enjoy ang pamamasyal at pagsa-shopping sa ukay-ukay.

“Ang dami kong napamiling panglamig lalo na sa mga bata. Super ginaw sa Baguio ngayon. Mahirap tumambay sa garden kung di makapal ang jacket mo.

“Pero nakabili ako ng Jil Sander dress P250 at Salvatore Ferragamo na flat shoes P800.

“Sino ang mahilig mag-ukay dyan? #WaisNaMisis,” kuwento pa ni Neri.

Maris walang hiya-hiyang inirampa sa US ang nabiling OOTD sa ukay-ukay; Andrea kering-keri nang magsolo at magbida

Enchong Dee grateful kay Erich Gonzales: Kulang na lang ikasal kami

Alice Dixson nag-enjoy sa ukay-ukay, nagbigay ng tips para hindi makabili ng fake

Read more...