Joaquin Domagoso diretsahan nang inamin ang pagiging tatay: Nakakaiyak at nakakatuwa!

Joaquin Domagoso diretsahan nang umamin sa pagiging tatay: Nakakaiyak at nakakatuwa!

Joaquin Domagoso, Aneeza Gutierrez at Kiko Ipapo

DIRETSAHAN nang inamin ng Kapuso actor na si Joaquin Domagoso sa harap ng ilang miyembro ng entertainment media na isa na siyang ama.

Nangyari ito kahapon, December 30, sa presscon ng launching movie ni Joaquin na “That Boy In The Dark” na ginanap sa penthouse ng West Avenue Suites sa Quezon City.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Joaquin tungkol sa pagiging ama at sa panganay na anak nila ni Raffa Castro.

Ayon sa anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno, challenging at mahirap pala talaga ang maging isang ama pero napakasarap daw ng feeling kapag nakikita at nakakalaro niya ang anak.

Scott Angelo Domagoso ang pangalan ng panganay nina Joaquin at Raffa (anak ng newscaster at dating aktor na si Diego Castro). Isinilang ang sanggol sa FEU Medical Center noong April 28, 2022.

“Opo. Me and my family were both happy na my son is eight months old,” ang simulang pagbabahagi ni JD.

Patuloy niya, “And mahirap po talagang umalis ng bahay. Mahirap ho kasi lagi ko siyang miss, tulad ngayon, at maraming feelings na hindi mo mararamdaman talaga.


“Hindi ko siya maisip kasi you were not a father before, but now that you are, parang iba na yung mundo kaya po mahirap siya.

“There’s so much new feelings all the time na nakakaiyak at nakakatuwa,” dagdag pa ng award-winning Kapuso star.

“Yung mga nakita ko before, hindi ko naintindihan na sinasabi ng tatay ko or yung mama ko.

“Ngayon, parang nage-gets ko na kaya ito ginawa kasi gusto nila na ganito ang mangyari sa akin,” aniya pa.

Marami naman ang nagkomento na lucky charm ni JD ang kanyang anak dahil mula raw nang isilang ang bata ay nagsunud-sunod na ang pagtanggal niya ng international acting awards.

Ito’y dahil nga sa napakahusay na pagganap niya sa “That Boy In The Dark” na idinirek ni Adolf Alix, Jr. mula sa BMW8 Productions. Waging Best Actor ang binata sa Toronto Film And Script Awards, Five Continents International Film Festival sa Venezuela, at sa Boden International Film Festival sa Sweden.

Makakasama ni JD rito sina Lotlot de Leon, Glydel Mercado, Ramon Christopher, Kiko Ipapo, Nanding Josef at ang anak nina Glydel at Tonton Gutierrez na si Aneeza Gutierrez.

Mapapanood na ang “That Boy In The Dark” sa mga sinehan simula sa January 8, 2023.

Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

Read more...