Xian Lim tinawag na ‘dakilang figure skater’; Michael V may pangako sa cast ng ‘Voltes V Legacy’

Xian Lim tinawag na 'dakilang figute skater'; Michael V may pangako sa cast ng 'Voltes V Legacy'

Xian Lim, Ashley Ortega at Michael V

NAGPASILIP na ang GMA 7 ng ilang pasabog na eksena sa upcoming show nina Ashley Ortega at Xian Lim na “Hearts on Ice.”

Makikita sa teaser na ibinahagi ng Kapuso Network noong December 24, ang napakalakas na chemistry ng Sparkle stars maging ang kanilang husay sa pag-ice skating.

Ilang taon na ring award-winning at professional figure skater si Ashley. Todo-puri naman siya sa kanyang leading man na si Xian na sobrang dedicated daw sa kanilang training.

“Nakipagsabayan talaga si Xian. I hope people can appreciate his efforts also kasi ang galing na niya.

“Isa na siyang dakilang figure skater kasi nag-pass na rin siya ng first level sa figure skating,” saad ng aktres sa isang interview.

Samahan ang mga karakter nina Ashley at Xian sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Abangan ang “Hearts on Ice” this March, 2023 sa GMA 7.

* * *

Umani ng papuri mula sa viewers at celebrities ang unang pasilip ng GMA Network sa live-action adaptation na “Voltes V: Legacy.”

Kitang-kita sa teaser ang matitinding visual effects, production design at costumes kaya naman kaliwa’t kanan na ang positive comments ng mga Kapuso.

“The most anticipated live adaptation anime series is about to be shown next year. Super nostalgic ang feeling and goosebumps talaga!”

“GMA masyado niyo namang ginalingan! The effects are so freakin’ good!”

“I’m not expecting this kind of effects tho, but they set high standards for us abangers. World-class effects indeed.”

Yan ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa GMA Network Facebook page.

Maging ang award-winning Kapuso comedian na so Michael V. ay excited na sa upcoming series ng GMA. Isang diehard fan ng “Voltes V” si Bitoy na talagang sinubaybayan noon ang nasabing anime series.

“At this point, hindi na ‘ko magiging critical about this. I will watch it and I will ENJOY it. #VoltesV has been a BIG part of my childhood and to experience a modern, Filipino approach to my beloved mecha is such a thrill for me!” sey ni Bitoy.

Mapapanood na rin sa December 31 ang mega trailer ng serye sa  “Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon”, 10:30 p.m..

Ashley Ortega payag uling lumaban sa ice skating competition, pero…

Xian Lim pwede nang makipagsabayan kay Ashley Ortega sa figure skating

‘Voltes V Legacy’ ni Mark Reyes aprub na aprub sa Toei Company: Na-surprise sila sa napanood nila!

Read more...