Andrew Schimmer, 2 anak inihatid na sa huling hantungan si Jho Rovero

Andrew Schimmer, 2 anak inihatid na sa huling hantungan si Jho Rovero

Pamilya ni Andrew Schimmer inihatid na sa libingan si Jho Rovero

INILIBING na kanina ang partner ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero makalipas ang siyam na gabi ng lamay nito.

Mismong ang model-actor ang nagbalita sa publiko na naihatid na nila sa huling hantungan ang kanyang pinakamamahal na fiancée ngayong araw, December 30.

Nauna rito, ibinahagi ni Andrew sa kanyang social media account ang mga detalye sa interment ng asawa.

Nagdaos muna ng misa ang pamilya nina Andrew sa Saint Michael The Archangel Parish Church, sa Poblacion II, Marilao Bulacan para sa huling araw ni Jho sa mundo.


Pagkatapos nito, dinala na ang labi ni Jho sa Marilao Memorial Garden sa Lias, Marilao, Bulacan kung saan siya ililibing.

Mapapanood ang libing ni Jho sa Facebook Live ng kanyang pinsan na si Ning Concepcion Flaviano Rovero. Ibinahagi niya sa publiko ang pag-alis ng labi ni Jho sa punerarya hanggang sa padadala sa kanya sa simbahan para sa huling pagbabasbas.

Nito lang nagdaang December 20 namatay si Jho sa edad na 34 matapos makipaglaban sa sakit na severe hypoxemia na nagresulta sa maraming kumplikasyon.

Agad na nag-post si Andrew sa FB ng kanyang saloobin ilang sandali matapos mamaalam ang asawa. Aniya, “The Love of my Life…my wife..my best friend.. my partner in everything. Remember your promse, together forever. (broken heart emoji).”

Ang matindi pa raw, namatay si Jho sa bisperas ng 9th birthday ng kanilang anak na si Xander Schimmer, “Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya, di siya inabutan ng bunso namin.”

Sa unang gabi ng lamay ni Jho ay nagdiwang si Xander ng kanyang kaarawan sa loob mismo ng funeral chapel noong December 21.

Sabi ng bata, “I wish I will see mommy again.”

Sa isang video, mapapanood na kinakausap ni Xander ang inang nakahiga sa ataul, “Mommy, today is my birthday. I went first time to 7-Eleven. I helped someone. I gave them noodles because that’s what you wanted.

“Also, I really miss you super dearly. Mommy, someday we will see each other again. I love you. And I love you so much. I miss you super-duper much.

“And I love you forever and ever, Mommy. I just wish you were well again and come home… I really, really wish that you come home and you were okay.

“And I really want you to be proud of me and Ate and Daddy. We’ll keep making you proud every single day. Mommy, I love you so much. Ba-bye na, Mommy,” ang nakakaantig at nakakaiyak na eksena sa burol ni Jho.

Andrew Schimmer: Don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them

Andrew Schimmer may ‘good news’ ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero

Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal

Read more...