Benjamin Alves engaged na sa dyowang model na si Chelsea Robato: ‘What a fairytale it is, to spend the rest of my life with you’

NAG-PROPOSE na ang Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves sa kanyang model girlfriend na si Chelsea Robato.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Ready na ang binata sa next level ng relasyon nila ni Chelsea para bumuo na ng sarili nilang pamilya.

Ngayong araw, December 30, ibinandera nga ng Kapuso star na engaged na nga sila ni Chelsea.

Ang caption na isinulat niya sa kanyang Instagram page kalakip ang litrato nila together, “What a fairytale it is, to spend the rest of my life with you.”

Makikita sa picture nila ang mga katagang, “Will you marry me?” At siyempre, “Yes!” ang isinagot sa kanya ni Chelsea kaya naman abot-langit ang kaligayahan ni Benjamin.

Bumuhos agad ang congratulatory messages sa IG post ni Benjamin kabilang na ang mga comments mula sa mga kapwa celebrities tulad nina Solenn Heussaff, Gil Cuerva, Winwyn Marquez at Jon Gutierrez.

Nagsasama na sa isang bahay ang engaged couple at tatlong taon na rin silang magkarelasyon. Makikita sa kanilang social media accounts ang pagta-travel nila sa iba’t ibang bansa pati na ang pagmamahal nila sa mga alagang aso.

Nito lamang July 3 ay nag-celebrate na ng third anniversary ang magkarelasyon.

Related chika:

Benjamin Alves naaawa sa mga batang sumasailalim sa online classes

Read more...