Henry Cavill binansagang ‘Most Handsome Face’ sa mundo ngayong 2022

Henry Cavill binansagang ‘Most Handsome Face’ sa mundo ngayong 2022

PHOTO: Instagram/@henrycavill

BINANSAGANG “Most Handsome Face of 2022” ang British actor na si Henry Cavill.

‘Yan ay base sa inilabas na resulta ng critic website na TC Candler kamakailan lang.

Ang bumubuo naman sa Top 5 ng listahan ay ang Stray Kids member na si Hyunjin, American actor na si Timothée Chalamet, “Thor” actor na si Chris Hemsworth, pati na rin ang Hong Kong singer-actor na si Keung To.

Bukod pa sa mga nabanggit ay maraming sikat at bigating celebrities ang kasama sa listahan.

Kabilang na riyan si Taehyung, Jung Kook, Jimin at Jin na mga miyembro ng K-Pop sensation na BTS.

Kasama rin ang “Aquaman” actor na si Jason Momoa, English singers na sina Zayn Malik at Harry Styles, English actor na si Idris Elba, at Canadian singer na si Shawn Mendes.

Kamakailan lang ay opisyal nang napagpaalam si Henry sa kanyang pagganap sa DC superhero bilang “Superman.”

Inanunsyo niya ‘yan mismo sa pamamagitan ng Instagram post noong December 15.

Ikinuwento nga ng British actor sa post na nakipagpulong siya sa ilang opisyal ng DC Studios at pinag-usapan nila ang tungkol sa kanyang superhero role.

Ikinalulungkot daw niya ang balita pero ito raw ay kanyang nirerespeto.

Sabi pa niya sa fans na huwag maging malungkot dahil mananatili pa rin naman daw si Superman.

Huwag daw kalimutan ang mga paninindigan ng superhero.

Caption niya, “For those who have been by my side through the years…we can mourn for a bit, but then we must remember…Superman is still around. Everything he stands for still exists, and the examples he sets for us are still there!”

Matatandaan noong 2013 nang unang gumanap bilang Superman si Henry sa pelikulang “Man of Steel.”

Related chika:

Henry Cavill nagpaalam na bilang ‘Superman’: It’s been a fun ride with you all…

Read more...