DA: Pulang sibuyas papalo ng P250/kilo hanggang sa unang linggo ng Enero  | Bandera

DA: Pulang sibuyas papalo ng P250/kilo hanggang sa unang linggo ng Enero 

Pauline del Rosario - December 30, 2022 - 09:53 AM

DA: Pulang sibuyas papalo ng P250/kilo hanggang sa unang linggo ng Enero 

PAPALO na ng P250 per kilo ang presyo ng mga pulang sibuyas sa mga palengke sa Metro Manila hanggang sa unang linggo ng Enero. 

‘Yan na ang inilabas na kautusan ng Department of Agriculture (DA) nitong December 29 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin. 

Base sa pinirmahang administrative order ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban, kailangang magkaroon ng gabay ang mga consumer pagdating sa makatwirang presyo ng mga pangunahing bilihin. 

“There is a need to guide the consuming public on the reasonable prices of basic necessities in the market,” sey sa inilabas na pahayag ng ahensya.

As of December 29, ang locally produced na mga pulang sibuyas ay binebenta sa mga palengke sa Metro Manila mula P540 per kilo hanggang P700 per kilo. 

Ang imported na sibuyas naman ay nasa P600 per kilo. 

Ang mga nasabing presyo ay triple ang taas kumpara noong nakaraang taong 2021 na umaabot lamang sa P180 per kilo hanggang P220 per kilo.

Read more:

Hugot ni Juday sa sibuyas: Dati kailangan ka munang hiwain bago maluha, ngayon iniisip pa lang kita, naiiyak na ‘ko sa presyo mo!

Kim sa lahat ng nambu-bully sa kanya: Ang sakit-sakit naman…tao lang din kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri Miranda tuloy ang fitness journey: Nag-try akong mag-exercise, stretching tapos may planking…ayun, dinugo ako

Carla Abellana naloka sa taas ng presyo ng gasolina: Hindi pa nga ‘yan full tank!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending