Price cap sa bigas na P41 hanggang P45 ipatutupad na simula Sept. 5
PAGDATING ng Martes, September 5, sisimulan nang ipatupad ang iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na paglalagay ng price cap o limitasyon sa presyo ng mga bigas.
Ayon sa Executive Order (EO) No. 39, hindi dapat lumampas sa P41 ang presyo ng kada kilo ng regular-milled rice, habang P45 naman sa kada kilo ng well-milled rice.
“Under EO (Executive Order) 39, the mandated price ceiling for regular milled rice is PhP41 per kilogram while the mandated price cap for well-milled rice is PhP45.00 per kilogram,” sey sa inilabas na pahayag ng Palasyo.
Baka Bet Mo: Pagpapatupad ng price cap sa driving schools tuloy na tuloy na sa April 15 –LTO
Ayon pa sa Malacañang, ang nasabing kautusan ay idineklara bilang tugon sa pagtaas ng retail price ng bigas na dulot ng iba’t-ibang problema.
Kabilang na riyan ang iligal na manipulasyon sa presyo tulad ng hoarding o pag-iimbak at sabwatan sa industriya.
Gayundin ang ilang mga kaganapan sa ibang bansa, gaya ng gulo sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine, ang pagbabawal ng India sa pag-export ng bigas, at ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Mananatili ang naturang price ceiling hanggang sa alisin ni Pangulong Bongbong sa rekomendasyon ng Price Coordinating Councils o ng Department of Agriculture (DA), kung saan siya ang gumaganap na kalihim, pati na rin sa Department of Trade and Industry (DTI).
Read more:
Isabelle inulan ng batikos dahil sa suot na ‘vaccinated’ cap; insensitive at iresponsable raw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.