Juliana Gomez hindi nakakaramdam ng lungkot kahit solong anak lang: I’m all right with life just being the 3 of us

Juliana Gomez hindi nakakaramdam ng lungkot kahit solong anak lang: I’m all right with life just being the 3 of us

Lucy Torres, Richard Gomez at Juliana Gomez

WALANG problema o isyu kay Juliana Gomez kung nag-iisa lamang siyang anak ng celebrity couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres.

Ayon sa dalaga, kuntento at masaya na siya sa kanyang buhay bilang one and only daughter ng kanyang mga magulang na kabilang sa mga power couple sa entertainment industry.

Sabi ni Juliana sa nakaraang episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast, she’s completely fine and happy kahit na nga tatlo lamang sila sa kanilang pamilya.

“It was never really not wanting a sibling. It was more like, I’m all right with life just being the three of us,” pahayag ni Juliana.

Hindi rin daw siya nakakaramdam ng inggit at lungkot kahit na solong anak siya dahil napakarami naman daw nilang kaibigan na itinuturing na rin nilang mga kapamilya.

“So it’s nice to come home to just two people you’re really comfortable with,” sey pa ng anak nina Lucy at Goma.


Dagdag pa ng dalaga, feeling complete rin naman daw siya dahil ipinararamdam sa kanya ng kanyang parents ang lahat ng klase ng pagmamahal na kailangan niya bilang only child.

“It’s not lonely at all, because we’re very much in each other’s lives.

“I think I’ve reached that age where we just talk about the same things, and we all just get along as friends,” katwiran pa niya.

Nitong nagdaang buwan, gumawa ng ingay ang pangalan ni Juliana matapos manalo ng gold sa sinalihang fencing competitions sa Thailand at Indonesia.

“Congratulations @gomezjuliana for winning the Gold in the West Java Fencing Challenge 2022 in Bogot, Indonesia.

“You make our country proud!  Congratulations to Coach Benny Garcia as well!” ang caption na isinulat ni Richard sa ipinost niyang litrato ni Juliana sa Instagram gamit ang hashtag na #proudlyormocana.

Juliana Gomez hinangaan sa pagiging sweet sa yaya, puring-puri sa netizens

Lucy may ibinubulong kay Richard kapag uma-attend ng kasal: Hala, tutulo na ang luha niyan!

Vice ayaw nang patulan ang pagngawa ni Juliana Parizcova: ‘Kasi hindi naman siya ‘yung bina-blind item’

Read more...