NAKUMPLETO na ang unboxing videos ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ng mga naging regalo ng kanyang mister na si Hayden Kho ngayong Pasko.
Kung maaalala, apat na orange boxes ang ibinigay ni Hayden para kay Vicki at ang laman niyan ay puro mamahaling bags.
Tuwang-tuwa pa nga ang sikat na cosmetic surgeon dahil ayon sa kanya ay mahilig siya sa mga bag, lalo na’t kung ito ay nakalagay sa orange box.
Sey pa nga ni Vicki sa isang video, “Hayden is so sweet and he gave me four orange boxes!”
Sa unang Instagram video, ipinakita ni Dra. Belo na isang “Mini Lindy Gris Perle Ostrich Gold Hardware” na bag ang nakuha niya.
“It’s a Mini Lindy, which is really my favorite kind of bag because it’s the most practical for mini bags,” sey ng cosmetic surgeon.
Base sa na-research namin, ang Mini Lindy Ostrich ay nagkakahalaga ng $18,000 o P1,003,923.
Sa ikalawang video naman, ipinakita niyang “Birkin 25cm Shadow in Navy Blue Swift Leather” ang laman ng box.
Sabi ni Dra. Vicki, “So I’ve only seen this in pictures. I’ve never seen live use it. Hayden, Thank you! You know I wanted this bag and I know you really don’t like it. But thank you for buying it for me anyway.”
Alam niyo bang nasa $48,702 o P2,716,378 ang halaga ng bag na ‘yan? Ikaw na talaga Dra. Belo!
Sa huling video ay ipinakita na ng celebrity doctor ang dalawa pa niyang luxury bags galing sa kanyang asawa.
Ito ang “Birkin Cargo 25 Nata Toile Goeland 25 Swift Leather Trim Limited Edition” na may halaga na $58,875 o P3,283,664.
At ang “Mini Kelly II 20 Vert d’eau in Matte Crocodile Leather” na worth $98,000 o P 5,412,050.
Napa-wow nang todo ang maraming netizens, pati na rin ang ilang artista na napa-comment pa sa kanyang posts.
“You deserve all the gifts and more,” sey ng aktres na si Iza Calzado.
Comment ng TV host-model na si Isabelle Daza, “Grabe naman!”
Related chika:
Dra. Vicki Belo, Scarlet ipinagdiriwang ang birthday ni Yaya Anita, naging ‘star’ ng latest vlog