Jake nakiusap sa publiko matapos bigyan ng R-18 ang ‘My Father, Myself’: Give our film a chance

Jake nakiusap sa publiko matapos bigyan ng R-18 ang ‘My Father, Myself’: Give our film a chance

PHOTO: Instagram/@juancarloscuenca

MAY pakiusap sa publiko, lalong-lalo na sa moviegoers ang aktor na si Jake Cuenca.

‘Yan ay matapos bigyan ng R-18 ang kanyang pinagbibidahang pelikula sa Metro Manila Film Festival na “My Father, Myself.”

Ayon sa aktor, dahil sa pagiging R-18 ay piling malls lang pwedeng mapanood ang kanilang MMFF entry.

Sey niJake sa isang Instagram post, “R18 po Kami at Hindi rin po Kami ipapalabas sa SM Kaya nakikiusap po ako sa Inyo to please help us spread the word and give our film a chance (folding hands emoji).”

Samantala, pinasalamantan naman ni Jake ang mga nakanood na ng pelikula at lubos daw siyang nagagalak sa magagandang reaksyon.

“From the bottom of my heart thank you po sa lahat magagandang reviews that have already come out about our film #myfathermyself,” caption ng aktor.

“magkita kita po tayo sa sinehan ngayon pasko at suportahan po natin lahat ng pelikula ngayon #mmff22 . Merry Christmas guys. (Christmas tree emoji),” aniya.

Maraming netizens din ang napa-comment sa IG post ng aktor at sinabing nanghihinayang sila na hindi mapapalabas sa lahat ng sinehan ang kanyang pelikula.

“Oh my petition for this (crying face emoji).. .bakit naman ganoon…alam kong this is something na kailangan ma-witness at eye-opener ng iba,” sey ng isang fan.

Comment ng isang IG user, “I hope ma-change ang movie. MMFF dapat lahat ng movie ipalabas. Gusto ko talaga makapanood ng movie mo idol.”

May nag-comment pa na, “Missing those times na nagpapalabas pa ang SM ng mga movies na R18—I mean, marami naman silang theaters for exhibition sana–pero let’s respect that. Sayang lang yung range sana nung mga films like this.”

Bukod kay Jake, tampok din sa “My Father, Myself” sina Dimples Roman at Sean De Guzman.

Ang karakter ni Jake ay bilang closeted gay human rights lawyer, si Dimples bilang asawa niya at si Sean bilang anak ng love ni Jake na si Allan Paule.

Related chika:

Jake Cuenca sa pinagbibidahang MMF film na ‘My Father, Myself’: I’m proud of this film…I feel I have conquered something

Read more...