NAGING usap-usapan sa social media ang latest post ng beauty queen-host na si Catriona Gray.
Makikita sa Instagram ni Catriona ang isang litrato na nasa Australia at may picnic setup.
Naka-tag din sa picture ang kanyang boyfriend at aktor na si Sam Milby.
Kalakip niyan ang caption na, “Today made me the happiest (cloud emoji)”
Dahil diyan ay maraming netizens ang naging curious sa tila misteryosong IG post ng beauty queen.
Makikita pa sa comment section ang mga tanong ng fans kung engaged na nga ba ang celebrity couple.
“Why does my mind think of a proposal the moment I read the caption,” sey ng isang fan.
Tanong pa ng isang netizen, “Did Sam propose to you? when is the big day. Will it be held in the Philippines, Australia or somewhere else?”
Hula naman ng isang nag-comment, “I’m guessing this is a proposal (ring emoji)”
Kung matatandaan ay taong 2020 nang kumpirmahin nina Catriona at Sam ang kanilang tunay na relasyon.
Noong nakaraang buwan lang din nang umamin si Sam na nais na niyang magkaroon ng sariling pamilya.
Sinabi niya ‘yan sa naganap na mediacon ng Beautederm Corporation kung saan ay ni-launch siya bilang bagong ambassador ng mga health booster na all original at made in Japan, ang Kenzen Yasaides, Reiko ShiroSan at Kenzen Mizu Plus.
Sey ni Sam, “Do I feel pressured? A lot of people are asking me that because karamihan ng mga kaibigan ko, they’re married, they have kids.”
Sa edad na 38, gusto na rin daw niyang magka-baby, “I do, I’m excited.”
Pero si Catriona kaya, handa na rin kayang magpakasal, mabuntis at magsilang ng baby?
Sey ni Sam, “She’s still young, I don’t wanna answer for her but yes, napag-uusapan na namin.”
Dagdag pa ng aktor, “It’s a stage that I’m excited and looking forward. Abangan niyo kapag dumating na ang stage na ‘yan. Siyempe, hintayin n’yo lang, masu-surprise rin kayo.”
“I’m not getting any younger also, siyempre. I’m turning 39 next year,” natatawa pang sabi ni Sam.
Related chika: