Maxene sa patuloy na pagpo-post ng litrato mula sa wedding nila ni Rob: ‘Ang ganda ko sa photos, sayang naman…’
NAGPALIWANAG ang Kapamilya actress na si Maxene Magalona kung bakit ipino-post pa rin niya sa social media ang mga wedding photos nila ni Rob Mananquil kahit matagal na silang hiwalay.
Marami kasi ang nagtatanong kung bakit may mga pa-throwback pa siyang litrato sa Instagram na kuha sa kasal nila ng nakahiwalay na asawa noong 2018.
Umamin ang aktres nitong nagdaang October na totoong hiwalay na sila ni Rob pero hindi na siya nagdetalye kung ano ang naging rason ng kanilang breakup.
Pero aniya, maayos pa rin ang pakikitungo niya sa pamilya ni Rob kahit nagkanya-kanya na sila ng landas.
Ayon kay Maxene, may dalawang dahilan kung bakit may mga pagkakataon na nagpo-post pa rin siya ng mga wedding photos nila ni Rob. Ito raw ang isa sa kanyang mga paraan para i-honor ang sakit na naramdaman niya matapos ang hiwalayan.
View this post on Instagram
“To those who find it weird that I still post my wedding photos even though my marriage didn’t work out, 1. This is one of the ways I honor my pain. 2. Ang ganda ko sa photos, sayang naman,” pagababahagi ni Maxene.
Sa panayam naman sa kanya ng Project Loving Myself Podcast, nag-share si Maxene ng kanyang mga naging karanasan sa pakikipagrelasyon at mga advice sa mga taong nasa proseso ng paghihiwalay.
“I dealt with my own breakup by developing a closer and deeper relationship with God.
“I kept praying for me and my ex-husband so that He could give us both the strength and energy to go through the pain of breaking up.
“God was the One who really helped me through everything. Up to this day, He is and forever will be my healer,” sabi pa ng aktres.
Marami namang netizens ang naka-relate sa naging karanasan ni Maxene pagdating sa usaping lovelife. Nangako rin ang kanyang mga IG followers na patuloy siyang ipagdarasal upang makamit ang iba pa niyang pangarap sa buhay.
Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob
Paalala ni Maxene sa mga ‘Marites’: Gamitin ang energy sa pagdarasal kesa magtsismisan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.