KAPANSIN-PANSIN na tila hindi na gaanong aktibo ang social media influencer na si Benedict Cua sa pagba-vlog.
Sa kanyang TikTok video ay ibinahagi niya ang kanyang mga naging obserbasyon sa mga nakikita at napapanood niya sa mga kapwa vloggers.
Saad ni Benedict, “Even as a content creator, as a vlogger, gusto ko lang i-share cause it’s pretty much the same as when you exposed yourself on social media and you see all your friends, and people that you follow na ang dami nilang nakukuha sa life nila.
“Ang dami nilang milestone. Ang dami nilang nabibili para sa sarili nila and instead na ma-motivate ka, it actually sucks the joy out of you and parang napi-feel mo na there’s so much that you lack; there’s so much that you’re missing out in your life.”
Dagdag pa ni Benedict, “I understand we all have our own ways to deal with our insecurities pero dito mo malalaman kung gaano kalaking impact ‘yung nabibigay sa’yo when you look at the things that you are exposed to every day.”
At dito nga ay inamin niya ang dahilan kung bakit hindi na siya madalas mag-upload nf kanyang vlogs sa YouTube.
“Nagkaroon ako ng ganiyang phase sa YouTube, sabi ko, ‘Parang pabonggahan na.’ Kailangan bumili ng ganiyan. Kailangan ipakita ko ‘yung bagong ganiyan. Kailangan production level na ‘yung mga vlogs. Parang naisip ko: Di na masaya. Ayoko na mag-vlog kaya andito ako sa TikTok palagi,” lahad ni Benedict.
Aniya, tila nawala na raw ng saysay ang pagba-vlog na para sa kanya ay video format lang ng iyong pang-araw araw na gaawain, online diary kumbaga.
“Alam mo naman kung paano magkaroon ng clout, ng views ‘di ba? Madali lang naman ‘yun pero hindi mo magawa kasi hindi ikaw ‘yun. Constantly, nacha-challenge ka,” ani Benedict.
Paglilinaw niya, “My point is, I needed to reframe what happiness means and how I could transfer it to other people. Hindi ako nagpapaka-pick me dito, sinasabi ko lang [na] may realizations ako na because of the video that I watch na sobrang nag-hit sa akin.”
Humingi rin ng paumanhin si Benedict sa mga followers niya kung sakaling napa-feel niya rin ang ganito sa kanila.
Marami naman ang um-agree sa kanyang TikTok video.
@benedict_cuathis is why i stopped being an active vlogger too 🫠♬ original sound – benedict cua
“Absolutely, there are so much loneliness in there as in pahambugan n lng mga Vloggers, instead of being informative,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “I actually understand your points Benedict. Ganyan din kasi feelings ko kaya I unfollow most of them and naging selective nalang ako sa mga pina-follow kong influencer or content creator online and it feels good for me na di ako na-e-expose sa pabonggahan ng mga content creator ngayon sa mga vlogs nila.”
“True! Kaya piling pili na lang ang vlogger na sinusubaybayan ko. Yung iba parang ang toxic na,” sey naman ng isa.
Related Chika:
Actor-vlogger goodbye muna sa YouTube: I’m scared to lose myself….
Pampaswerte sa 2022: Bagong underwear, red at yellow gold dress, tiger…at mag-move on na sa ex-dyowa