Grace Poe: Hindi dapat komplikado ang mga proseso, paraan, at portal para sa pagrerehistro ng SIM

Sen. Grace Poe: Hindi dapat komplikado ang mga proseso, paraan at portal para sa pagrerehistro ng SIM

Sen. Grace Poe

NANAWAGAN si Sen. Grace Poe sa National Telecommunication Commission at maging sa mga telco companies na gawing madali para sa publiko ang pagpaparehistro ng kanilang SIM card at siguraduhing magiging pribado ang mga impormasyon ng mga mamamayan.

Simula bukas, Disyembre 27, magsisimula na ang pagpapatupad ng SIM Registration Act o Republic Act 11934.

“Tulad ng pagpapadala ng mensahe sa text, dapat maging madali ang pagpaparehistro ng SIM,” saad ni Poe na isa sa mga sponsor ng naturang batas.

Dagdag pa niya, “Hindi dapat komplikado ang mga proseso, paraan at portal para sa pagrerehistro ng SIM.”

Pagpapaalala pa ni Sen. Poe, dapat rin daw na tulungang mag-register ang mga senior citizens, may kapansanan, mga buntis, mga minors, at mga taong walang koneksyon sa internet.

Bukod pa rito, nais rin ng senador na paigtingin ang information drive para makapagparehistro ang lahat sa buong bansa at dapat tiyakin rin ang maayos na pag-handle ng personal information ng bawat mamamayan.

“Matatamasa natin ang buong potensyal at benepisyo ng batas kung akma at epektibo itong maipapatupad at sama-sama tayong magtutulungan bilang isang bayan,” dagdag pa ni Sen. Poe.

Matatandaang ang SIM Registration Act ay para masolusyunan ang lumalalang text messaging scam na nambibiktima sa mga Pilipino.

Kinakailangan makapagparehistro sa loob ng 180 days o 6 months mula sa unang araw (December 27) ng implementation nito.

Related Chika:
SIM card registration aarangkada na sa Dec. 27, NTC may mga paalala sa publiko

Cardiopulmonary arrest ang ikinamatay ni Susan Roces, sey ni Grace Poe: At sa tingin ko talagang nangulila na siya sa tatay ko…

Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato

‘Hindi ako nagsisisi, magpalit na po kayo ng SIM’: Baler local praises Globe 4G LTE SIM benefits

Read more...