Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin ‘yung mga bata na maging grateful

Xian Gaza sa mga magulang ngayong Pasko: Turuan natin 'yung mga bata na maging grateful

NAGBIGAY ng paalala ang social media personality at ang Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza patungkol sa dapat matutunan ng mga bata ngayong Kapaskuhan.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang kanyang obserbasyon at paalala na kung ano ang dapat ugaliin ng mga chikiting ngayong holiday season.

“Turuan natin yung mga bata na maging grateful kahit gaano pa kaliit yung matanggap nilang aguinaldo,” saad ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “When you say ‘Kuripot ng ninang mo, anak! Bente lang! Nubayan!’ They will grow up as ungrateful kids who expect and demand more from other people.”

Sey ni Xian, ang mga ganitong klaseng pag-uugali raw ay kinalakihan ng mga taong mayroong environment kung saan nagiging financially dependent ang isa sa kanilang mga kamag-anak.

Dagdag pa niya, ang nangyayari ay para bang obligasyon ng mga kamag-anak o ng ibang tao na buhayin sila.

Giit ni Xian, “If you will teach the kiddos na maging grateful sa lahat ng pagkakataon no matter how small it is, lalaki silang independent without expecting any financial support from others.”

Marami naman ang sumang-ayon sa Facebook post ng social media personality.

“Pag nagbigay THANK YOU. Pag hindi okay lang din. Ang hirap din kasi pag nagbigay tapos mas higit pa dun expect nilang return,” sabi ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Magpasalamat meron man o wala at malaki man o maliit.”

 

Related Chika:
Xian Gaza ipinagyabang ang P463-M net worth: Para maramdaman ng haters ko kung gaano sila kahirap

Xian Gaza tinalakan si Dennis Padilla: Yung Father’s Day greeting ay hindi hinihingi sa mga anak, ine-earn yan

Xian Gaza nakunsensya: Parang sinira ko ang buhay ni Aj Raval!

Xian Gaza supalpal kay Donnalyn Bartolome: May mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit saan mo pa siya dalhin

Read more...