Alden Richards pwede raw mag-flop sa 2023, Vice Ganda may posibilidad ring mag-lie low next year?

Alden Richards pwede raw mag-flop sa 2023, Vice Ganda may posibilidad ring mag-lie low next year?

KARUGTONG ito ng mga hula ni Mami Gloria Escoto sa napapanood sa YouTube channel ni Romel Chika at ang mga celebrities na hinulaan ay sina Regine Velasquez, Alden Richards, at Vice Ganda.

Ito naman ang nababasa ni Mamu kay Regine Velasquez na ang kaarawan ay Abril 22, 1970.

“Masaya naman ‘tong si Ms Reg, marami siyang magiging project next year.  Kaya lang kung may plano siyang lumipat ng bahay o plano siyang bilhin na property posible na hindi pa niya makuha o mabili kasi kulang sa budget kailangan pa niyang pagtrabahuan ito ng bongga,”esplika ni Mamu.

Nabanggit din na ang apat na gabing show ni Regine dito sa Pilipinas ay hindi ganu’n ka-bongga ang ticket sales pero marami pa ring manonood.

Tungkol naman kay Alden Richards na ang kapanganakan ay Enero 2, 1992.

“Sorry ha, sa lumabas na cards ni Alden, puwedeng mag-flop siya next year (2023).  Hindi niya lucky year next year.  Lucky siya noong mga nagdaang taon, so ito ang year na hindi para sa kanya, pero sa business naman ay okay siya pero career (pababa). Wala ever (tungkol sa lovelife),” esplika ni Mamu.

At kaya walang lovelife, “mas (focus) siya sap era kaysa lovelife.  Parang may kinatatakutan siya na posibleng bumalik sa dati (mahirap) kaya trabaho lang siya ng trabaho (ipon ng ipon).  Actually wala rin siyang napupusuan.”

Matutuloy naman daw ang pelikula nila ni Bea Alonzo, “kaya lang kung next year (2023) nila gagawin ang pelikula na ‘to, hindi (hahakot).”

“Next, Vice Ganda, March 31, 1976,” tanong ni Romel.

“Para kay Ms Vice, medyo dadaan siya sa depression kasi parang naguguluhan siya sa mga nangyayari sa paligid niya na parang hindi niya maintindihan ang feelings niya, mixed emotions,” paliwanag ni Mamu.

Itinanggi na tungkol ito sa career na bumaba raw ngayong taon, “hindi successful siya next year, ingatan niya siguro ang relasyon nila ni (Ion Perez) kasi doon sila puwedeng magkaroon ng problema maaaring may pagseselosan siya (Vice).  So, ang magiging problema niya (Vice) next year lovelife.”

At may posibilidad na mag lie low si Vice next year dahil sa kanyang lovelife at okay pa rind aw ang Showtime kahit mababa ang ratings ay inilalaban.

Anyway, abangan ang part-two ang sesyon nina Romel at Mamu dahil marami pang nakakagulat na sagot sa mga tanong ng una tungkol kina Alex Gonzaga, “Nay Cristy Fermin, at Kris Aquino.

Cliffhanger ang mga sagot ni Mamu sa mga nabanggit kaya’t kaabang-abang ito.

Related Chika:
#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Coco Martin mas dadami raw ang pera sa 2023, Angel Locsin may pinagdaraanan nga ba?

Read more...