Sharon Cuneta mas maraming opportunities na matatanggap sa 2023, sey ni Mamu Gloria Escoto

Sharon Cuneta mas maraming opportunities na matatanggap sa 2023, sey ni Mamu Gloria Escoto

ISA rin sa mga hinulaan ni Mamu Gloria Escoto si Megastar Sharon Cuneta.

Sumunod si Sharon Cuneta na ipinanganak noong Enero 6, 1966.

“Dito sa cards niya medyo malungkot siya.  Next year o sa pangkasalukuyan ay masasabi kong dumadaan siya sa depresyon (dahil) sa problemang pampamilya.  Sabihin na nating meron siyang gustong mangyari na parang hindi tumutugma,” say ni Mamu.

Tinanong ni Romel kung tungkol sa karera pero humindi ang manghuhula dahil tungkol ito sa pamilya at dito nakuwento ng host na kamuntikang maghiwalay noon sina Sharon at asawang si ex-senator Kiko Pangilinan at ito pa rin ang pino-problema ng aktres dahil…

“Posibleng hindi siya masaya or mayroong isang malalim na problema or mga salita na parang nakasakit sa kanya (Sharon).  So, kung makikita mo rito sa pangalawang line, inilalaban nila pareho ang relasyon even though parang nahihirapan siya (aktres) at ang posibleng maging dulo ay mag-stay pa rin silang dalawa,” interpretasyon ni Mamu.

Klinaro rin na hindi ang sinasabing may anak na si senator Kiko ang dahilan ng kanilang away kundi tungkol sa pera na hindi naman ubos na ubos kundi mauubos na.

Naganap ang pagpunta ni Romel Chika kay Mamu bago pa i-anunsyo ni Sharon na pinahinto muna niya ang konstruksyon ng kanilang bahay sa Silang, Cavite base sa tsikahan nila ni Doc Aivee Teo, kilalang dermatologist at pag-aari nilang mag-asawa na si Doc Z ang Aivee Aesthetical Clinic.

Sa pagpapatuloy ni Mamu na binabasa pa rin ang mga cards, “may mga oportunidad sa 2023 at posibleng makabawi siya (Sharon).  Puwede siyang gumawa ng pelikula pero concert hindi ko nakikita, more on TV.”

Dinugtong na tanong ni Romel ay ang anak ni Mega na si KC Concepcion kung okay na sila at muling nagbukas ng baraha si Mamu.

“Civil, may problema talaga malalim,”diin ng tarot reader.

“Gaano kalalim?” tanong ni Romel.

“Kasi may lumabas na death card, so, ibig sabihin malalim ang pinagmulan nito.  May gusto siyang mangyari pero hindi natupad, more on emotion, eh, ang problema nilang dalawa (mag-ina).  Puwedeng nagka-clash sila kasi magkamukha sila ng ugali,” paliwanag ni Mamu.

“Ang dami kong tanong kasi idol ko ‘yun,”sambit ni Romel tungkol kay Shawie.

 

Relsted Chika:
#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…

Sharon Cuneta itinigil muna ang construction ng bahay sa Cavite: Lots of things have changed

Read more...