Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng ‘manliligaw’?

Heart Evangelista mas magiging matunog ang pangalan sa 2023, magkakaroon daw ng 'manliligaw'?
SA ikalawang sesyon ng panghuhula ni Mamu Gloria Escoto ay gumamit siya ng Tarot cards para sa mga pahuhulaang personalidad ni Romel Chika na in-upload niya sa kanyang YouTube channel nitong December 24 bago maghatinggabi.

“Gagamit tayo ng Tarot cards para sa iyong mga katanungan,”saad ni Mamu kay Romel.

“Naglista po ako ng mga paborito ninyong artista alamin natin kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila sa 2023,” say ni Romel sa camera.

Ang unang celebrities na tinanong ni Romel ay si Ruru Madrid na ipinanganak noong December 14, 1997.

“Kay Ruru Madrid gusto ko lang sabihin sa kanya na sa larangan ng pag-ibig kung siya ay may pag-ibig next year ay puwede silang magkaroon ng konting problema (selos) pero in terms of career naman at financial ay magiging stable naman at maraming darating na blessings sa kanya,” pagbabahagi ni Mamu.

Na-excite naman si Romel dahil sa unang pinahulaan niya ay positibo ang basa ni Mamu sa kanyang tarot cards.

“Si Heart Evangelista (February 14, 1985) na laman ng peryodiko araw-araw, di ba?” saad ni Romel habang binabalasa ni Mamu ang kanyang tarot cards.

“Para kay Heart Evangelista masasabi ko na magiging mabango pa ang pangalan niya sa susunod na taon. Kung sikat siya ngayon mas madadagdagan pa ro’n at may nakikita akong posibleng oportunidad na kakatok sa kanya and then may isang lalaki na magkakalakas ng loob na manligaw sa kanya, foreigner ‘to,” pahayag ni Mamu.

“Foreigner?  E, paano si Senator Chiz Escudero?” balik-tanong ni Romel.

“Kung makikita mo rito sa cards sa huli sa relationship parang mage-end na ng diretso.
Napapabalita na hiwalay na sila, darating ang araw na hiwalay na sila next year,”say ni Mamu,

Dagdag pa, “dahil dito (sabay turo sa isang card) mali-link siya dito, mayaman (foreigner), King of Swords ibig sabihin mayaman.  Alam naman nating mapera na siya (Heart) pero mas madadagdagan pa.

“Mas mayaman pa kay senator Chiz Escudero?” tanong ni Romel na inoohan naman ni Mamu.

May hula ring magkakaroon ng anak si Heart na lalaki someday pero hindi kay senator Chiz.

 

Related Chika:
Jennylyn sa taro cards unang nakumpirma ang pagbubuntis; dinugo habang nasa taping ng ‘Love, Die, Repeat’

#PakOFlop: Gloria Escoto hinulaan ang mangyayari sa MMFF 2022 entries

Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: ‘It was a moment…’

Read more...