PAGASA: Asahan ang malamig, maulang Pasko; Ilang domestic flights kanselado

PAGASA: Asahan ang malamig, maulang Pasko; Ilang domestic flights kanselado

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

ASAHAN ang malamig na panahon at kaunting pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Pasko, December 25.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dulot ng northeast monsoon o hanging amihan, pati na rin ng shearline.

“Sa kasalukuyan ay nakakaranas po tayo ng kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng kabisayaan, sa ilang lalawigan ng Mindanao at kasama na rin ang Southern Palawan,” sey ni PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio.

Aniya, “Samantala, sa malaking bahagi ng Luzon ay nakakaranas tayo ng mga pag-ulan at malamig na simoy ng hangin dulot dulot ng napakalakas na amihan.”

Binanggit pa kaninang umaga sa isang press briefing ang mga lugar na posibleng ulanin dahil sa dalawang weather systems na umiiral sa ating bansa.

Ayon kay Aurelio, “Ngayong araw, dahil sa napakalakas na amihan ay makakaranas po tayo ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan. Kadalasan po, katamtaman o mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera, sa mga lalawigan ng Aurora, Quezon at sa Bicol region.”

“Sa lalawigan po ng Palawan, dulot po ‘yan ng shearline ay makakaranas din ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm,” dagdag pa ng weather specialist.

Bukod sa mga ulan ay nagbabala din ang PAGASA sa nakataas na “gale warning” o babala ng mga matataas na alon sa ilang mga baybayin.

Bawal pumalaot ang mga maliliit na bangka sa Batanes, Babuyan island, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Burias Island, Albay, Sorsogon, Romblon, Marinduque, Ilocos Provinces, La Union, Pangasinan, Zambales, Batangas, Mindoro Provinces, Lubang Island, Palawan (including Calamian, Cuyo,and Kalayaan Islands), Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Leyte, Negros Provinces, Guimaras, Iloilo, Capiz, Antique, Aklan, Bohol, Cebu, Dinagat Islands, Siargao Islands, Bucas Grande Islands, at Surigao del Sur.

Abiso ng weather bureau, “Ang mga baybaying dagat sa mga nabanggit na lugar ay magiging maalon hanggang sa napakaalon. Kaya paalala po sa ating mga kababayan na huwag munang pumalaot sa mga lugar na ito para sa ating kaligtasan.”

Dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa ilang lugar ay kinansela na ang ilang domestic flights ng Cebgo ng Cebu Pacific ngayong araw (Dec. 25).

Narito ang listahan:

Read more:

Paolo sa bagong Bubble Gang: Kailangan mas maingat dahil mas balat-sibuyas ang mga tao ngayon

Read more...