Erik Santos malamig pa rin ang Pasko: Meron akong nagugustuhan, pero... | Bandera

Erik Santos malamig pa rin ang Pasko: Meron akong nagugustuhan, pero…

Ervin Santiago - December 07, 2021 - 07:44 AM

Erik Santos

“MALAMIG” na naman ang magiging Pasko ng King of OPM Theme Songs na si Erik Santos ngayong taon dahil hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Hindi pa rin kasi niya natatagpuan ang taong magpapatibok ng kanyang puso kaya naman sa pagdiriwang ng Christmas 2021 ay medyo hindi pa rin masasabing kumpleto ang nararamdamang kaligayahan.

“Wala talaga. Siguro unan ko,” ang sagot ni Erik nang tanungin sa press launch ng kanyang latest Christmas song na “Paskong Kayakap Ka” na ginanap sa Academy of Rock, Quezon City nitong nakaraang Dec. 2, kung may kayakap na ba siya sa Pasko.

“Medyo malamig (ang Pasko ko ngayon). Kasi, minsan kailangan mo rin talaga yung taong nagpapasaya sa ’yo. Pero kung hindi pa talaga dumarating huwag nating pilitin. Kasi minsan kapag pinipilit natin doon tayo nagkakamali,” katwiran ng Kapamilya singer.

Ngunit inamin naman ni Erik na may natitipuhan din siya, “Meron akong gusto pero kung nagkakaroon ako ng ganap, yung parang hindi kayo akma. Meron naman, tao lang ako.”

Tinanong namin ang binata kung ano bang mga katangian ang hinahanap niya sa isang babae, “Sa ngayon ang hinahanap ko na qualities ‘yung mamahalin talaga ako. 

“Kailangan grabe yung faith niya kay God, pareho kami ng values in life and mahal din niya ang pamilya ko.

“So, I am still taking my time. I’m not getting any youger. Dati meron akong time frame. 

“Dapat 30 may asawa na ako at dapat 32 meron na akong mga anak. Pero ganu’n pala talaga. Kung ano ang plano mo pero kung hindi plano ng Diyos, mas naniniwala ako na meron mas magagandang plano sa ’yo ang Panginoon,” aniya pa.

Inamin din ng binata na nakaranas din siya ng panic attacks noong kasagsagan ng pandemya at marami rin siyang naging realizations sa buhay 

“So ngayon natutunan ko sa buhay ko lalo na ngayong pandemic, chill lang, kasi mas pinagpapasalamat ko ngayon I’m still here and alive. 

“Kapag tinitingnan ko yung sitwasyon ng ibang tao parang sasabihin ko sa sarili ko, ‘Erik bakit ka malulungkot? Dahil sa wala kang lovelife, ganito ganyan?’ Para sa akin mas mahalaga ngayon ang relationship with the people who matter.

“Ngayon medyo okay na ako at nakapag-adjust na. Noong onset ng pandemic ang hirap kasi from soneome na busy talaga, biglang huminto.

“So nagkaroon ako ng parang anxiety attack tulad din ng ibang tao na kilala ko sa industriya na nagkaroon din ng anxiety,” aniya pa.

Aniya, ang kanyang pananampalataya sa Diyos at suporta ng pamilya ang naging sandalan niya para labanan ang anxiety at depresyon.

“Napakalaking bahagi rin ng faith. Parang sa panahon ngayon wala ka na talagang ibang kakapitan kundi ang Panginoon. 

“I don’t want to sound preachy pero ganu’n talaga. Ang tumulong sa akin ay yung faith and my family. Kahit. na anong mangyari, yun family ko nandiyan sila para sa akin,” sabi pa ni Erik.

View this post on Instagram

A post shared by eriksantos (@eriksantos)


Samantala, hit na hit na ngayon ang bago niyang Christmas song mula sa ABS-CBN Star Music, ang “Paskong Kayakap Ka”. Marami kasing nakaka-relate sa message ng kanta. Ito ay isinulat ni ABS-CBN creative director Jonathan Manalo. 

“Dahil sa pandemya, marami tayong nami-miss at gustong makasama at mayakap na matagal na nating hindi nakikita – kapamilya, malalapit na kaibigan, kasintahan, mga mahal sa buhay. Ngayong darating na Pasko, sino ang gusto mong kayakap?” pahayag ni Erik sa ginanap na face to face presscon para sa launching ng kanyang kanta.

Ayon kay Erik, siya mismo ang tumawag kay Jonathan para igawa siya uli ng Christmas song na pwede niyang iregalo sa lahat ng Filipino, lalo na yung mga hindi makakasama ang kanilang pamilya ngayong holiday season.

https://bandera.inquirer.net/299180/erik-santos-nangakong-hindi-iiwan-ang-pamilya-kahit-may-asawat-anak-na
“Actually, hindi na ako umasa kung magagawa ni Jonathan since masyado siyang busy ngayon kaya nagulat ako na tumawag siya nitong November na gawa na nga at dire-diretso na ang recording. October ko siya sinabihan,” chika pa ni Erik.

Ang “Paskong Kayakap Ka” ay mapapakinggan sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms at para sa mga detalye ay pumunta lang sa Star Music on Facebook at i-follow sa Twitter at Instagram @StarMusic PH.

https://bandera.inquirer.net/299541/erik-sa-paghahanap-ng-kanyang-the-one-kailangan-grabe-yung-faith-niya-kay-god

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295259/angeline-hindi-pa-ipinakikilala-kay-erik-ang-bagong-bf-di-naman-kailangan-selos-yarnnnnn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending