SA kauna-unahang pagkakataon ay nag-post na ang “It’ Showtime” host na si Vhong Navarro buhat nang makapagpiyansa ito at pansamantalang nakalaya.
Sa kanyang Instagram account ay ibinandera niya larawan kasama ang kanyang pamilya at ilan pang mga kaanak.
“Napakarami kong pinagpapasalamat. Thank you, Jesus! Happy Birthday!” saad ni Vhong.
Nagpasalamat rin ang TV host-comedian sa lahat ng madlang pipol na sumuporta sa kanya at patuloy na nagdasal para sa kanyang kinakaharap na pagsubok sa buhay.
“Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin, maraming maraming salamat. God bless!” pagpapatuloy ni Vhong.
Sa tindi nga ng kanyang pinagdaanan ay itinuturing niyang ngayong taon pinakamasayang Pasko dahil kasama niyang magdiwang ang kanyang pamilya.
Dagdag pa ni Vhong, “Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.”
Umulan nga ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan mula sa industriya at sa mga madlang pipol na matagal nang nag-aantay sa kanyang pagbabalik.
“Merry CHRISTmas Kuys @vhongx44,” sey ni Amy Perez.
Komento naman ni Kim Atienza, “Merry Christmas vhong! Love you bro.”
“My family and I are so happy for youuuu. Tuloy lang laban. masaya akong makita ka dito muli. God bless you and your family alwayssss,” sab
Matatandaang December 6 nang makalaya pansamantala si Vhong mula sa kanyang halos tatlong buwang pagkakakulong dahil sa kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014. Ito ay kapalit ng pagpapiyansa niya na nagkakahalagang isang milyon.
Related Chika:
Vhong Navarro nakalabas na, nagpiyansa ng P1 million para sa pansamantalang kalayaan
Vhong Navarro sinalubong ng yakap ng mga anak sa pag-uwi, babalik na ba sa ‘Showtime’?
Vice Ganda sinagot na kung kailan magbabalik sa ‘Showtime’ si Vhong Navarro