Filipino-Norwegian singer Clinton Kane naglabas ng kanta tungkol sa ‘avocado sandwich’

Filipino-Norwegian singer Clinton Kane naglabas ng kanta tungkol sa ‘avocado sandwich’

MAY nilabas na bagong kanta ang Filipino-Norwegian singer-songwriter at rising star na si Clinton Kane.

Ito ay may title na “AVO TOAST” na tungkol sa sandwich na may palaman na avocado.

Mapapakinggan na ang kanyang bagong kanta sa lahat ng music platforms gaya ng YouTube, Spotify, Apple Music, iTunes, at marami pang iba.

Sa inilabas na pahayag ng multinational music company na Sony Music, umamin si Clinton na hindi niya talaga type ang ganyang klaseng pagkain.

Pero maraming tao raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawan ito ng kanta kaya naman ay naisipin niya itong isulat.

Sey ni Clinton, “What’s funny is that I’ve always hated avocado toast.

“I wasn’t sure if I’d release this song because it didn’t feel like me for a while.”

“But people kept begging for it and I have a toxic relationship with peer pressure, so I sat with it and fell in love…with the song (not the food),” patuloy niya.

Nabanggit pa niya na may mga bago pa siyang kanta na nakatakdang ilabas.

“I’m excited for the world to have this one and can’t wait to release the rest of my new music,” pahayag ng singer.

Ang “AVO TOAST” ay isang follow-up song sa kanyang October release na “MEXICO.”

Noong Hulyo nang unang naglabas ng album ang Filipino-Norwegian singer na may titulong “Maybe Someday It’ll All be Okay.”

Related chika:

Pagkakaiba ng Pinoy at Hollywood actors nakita sa filming ng ‘Almost Paradise’

Read more...