Pagkakaiba ng Pinoy at Hollywood actors nakita sa filming ng ‘Almost Paradise’
Isa yata sa pinakamagastos na project ng ABS-CBN ay ang “Almost Paradise” na pinagbibidahan ng kilalang Hollywood actor na si Christian Kane na nakilala sa mga pelikulang “Angel”, “Leverage”, “The Librarians”, “Just Married”, at “Taxi.”
Kaya natanong si Ruel Bayani, ABS-CBN International Production at Co-Production Division Head, kung gaano ka-importante ang project na ito sa Kapamilya network.
“Ang dramatic answer to that question is of course when we’re embarking on this project hindi namin alam na mawawala ang franchise (ABS-CBN), mawawala kami sa ere. This was just part of ABS-CBN International initiatives and earlier on na-appoint na ako to be head of international production and co-production because we were really go full blast with this.
“And then ang nangyari nabuo ito in just the nick of time natapos and then nag lockdown, shutdown. Buti na lang we have the 10 precious episodes na nabuo at puwede ng ipalabas sa US at puwedeng ipalabas sa Pilipinas at the time na napakahirap nang magawa ngayon.
“So, napaka-importatante because natupad ‘yung vision ng ating Chairman na si Carlo Katigbak that for us to learn from our Hollywood counterpart, great show runners, producers, writers and to be able to come up with projects with this kind of ambition. Dati namang may quality ang palabas ng ABS-CBN pero alam natin na hindi ‘yun natatapos doon, malayo pa,” paliwanag ni direk Ruel.
Nabanggit pa na kahit nawala ang franchise ay hindi naman mawawala ang natutunan nila at mapapatay ang Kapamilya spirit na nasa puso ng bawa’t isang tao. ‘Yung talent ng Pilipinas ay hindi kayang hadlangan ng kahit sino.
Nag-audition ang Pinoy cast ng “Almost Paradise” na sina Nonie Buencamino, Art Acuña, Samantha Richelle, Ces Quesada, at Angeli Bayani. Kasama rin sina Zsa Zsa Padilla, Sophia Reola, Richard Yap, Raymond Bagatsing, Noel Trinidad, Lotlot de Leon, Ryan Eigenmann at Ketchup Eusebio bilang guest stars.
Natanong ang ilang cast kung ano ‘yung practices sa Hollywood na sana ma-implement sa Pilipinas since naka-trabaho nila ang foreign production sa shooting.
Kuwento ni Ces, “I think ang isa sa pinakana-appreciate ko na process na dinaanan naming lahat sa proyektong ito is the process of audition kasi sa pago-audtion, you make sure that the right people will get the roles, even sa mga bit players pinapa-audition nilang lahat which is why pagdating nilang lahat sa mismong shooting you’re confident na kayang gawin ang trabaho. Unlike dito sa atin (showbiz), minsan nauuna ang artista kaysa sa material mismo.
“Isa pa na kapag trabaho, walang ungguyang (biruan) nangyayari. There are pros and cons here. Sila (foreign actors and production) kasi kapag nagta-trabaho sila gusto nila walang nagsasalita, tahimik lahat naka-focus. Pero ang nakita ko naman na edge rin naman natin (Filipino actors) minsan ‘yung ginagawa nating pagsasaya sa set nakakatulong din ‘yun para pag pagod ka na, so in other words both sides kasi there was a time si Christian parang naano siya kapag maingay na nagaganap, pero towards the middle of the shoot hanggang sa pa-ending nakikita ko nakikipag ungguyan na rin siya. So, in other words may nakita rin akong give and take sa Filipino at sa Hollywood stars.”
Samantala, pawang Pinoy din ang direktor ng “Almost Paradise” sa pangunguna nina Dan Villegas (Episode 4), Francis Dela Torre (Episode 3 at 7), Hannah Espia (Episode 6 at 9), at Irene Villamor (Episode 8) na mapapanood bukas Linggo, Mayo 16 sa ganap na 8:45PM ang last two episodes ng “Almost Paradise.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.