Rocco nag-share ng tips sa mga first-time daddy: ‘When duty calls, always be snappy, your wife will appreciate you more for it’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Melissa Gohing, Rocco Nacino at Baby Ezren
NAGBIGAY ng ilang helpful tips ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa mga tulad niyang first-time daddy na medyo nahihirapang tulungan si misis sa pag-aalaga kay baby.
Nito lamang nakaraang Oktubre isinilang ang panganay na anak nina Rocco at Melissa Gohing-Nacino na si Ezren Raffaello pero napakarami nang natutunan ng aktor sa pagiging hands-on dad.
Kaya naman nais niyang mag-share ng ilang kaalaman sa mga kalalakihan na nagka-baby sa unang pagkakataon patungkol sa pag-aalaga ng sanggol.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktor na napapanood gabi-gabi sa primetime series ng GMA na “Maria Clara at Ibarra”, ng litrato ni Baby Ezren kalakip ang ilang payo sa mga first-time tatay.
Paalala ni Rocco, “Daddies, when duty calls, always be snappy. Anytime you can help mommy out in taking care of a baby, be the one to initiate the assist.
“Your wife will appreciate you more for it. This is one look I will always be proud of,” aniya pa.
Nag-post din ang Kapuso star ng kanyang photo habang kalung-kalong si Baby Ezren na nakabalot sa kumot.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Rocco ang mga life lesson na natutunan niya sa kanyang ama na gusto rin niyang ituro sa anak.
“Ang isang magandang aral na ibinigay niya sa akin was to experience life by doing it. Nalaman ko kung anong naging calling ko sa buhay.
“Example, I was on the road to completing my Nursing degree, tinapos ko, dapat magme-medicine na ako and then ‘yung audition ng ‘Starstruck’ came.
“And noong nagtanong ako kay Daddy sabi niya, ‘Hindi mo malalaman kung para sa ‘yo ‘yan until you do it.
“So if you fail hindi mo dapat ikasama ng loob. Take it as a lesson or sign na hindi ito ‘yung path mo.’ Tapos ‘yun tuloy-tuloy na. Sabi niya, ‘O ‘di ba? ‘Yun ‘yun ‘di ba? That’s how you learned. Ganyan ang buhay.’
“Siguro ‘yun ang alaala na gusto kong ibigay sa magiging anak namin na hindi kami magiging controlling sa kung ano ‘yung magiging path niya.
“Iga-guide namin na ito, ‘yung magiging mga options, ganito ‘yung mangyayari, kung nag-decide ka na ganito may ganitong consequence maybe good or bad, and the only way to experience life is to really experience it and fail and learn from whatever failures na mangyari,” aniya pa.
Ikinasal sina Rocco at Melissa noong January 21, 2021 at naging mommy at daddy nga nang isilang ang kanilang panganay noong October 9, 2022.