Nadine kering-kering umariba nang walang ka-loveteam: It’s nice to do projects without relying on a regular partner

Nadine kering-kering mag-shine nang walang ka-loveteam: It’s nice to do projects without relying on a regular partner

Nadine Lustre at James Reid

REFRESHING para sa award-winning actress na si Nadine Lustre ang makagawa ng isang pelikula na walang ka-loveteam o leading man.

Mahirap at super challenging man ay very thankful pa rin ang dalaga na binigyan siya ng Viva Films ng project na mas hahamon sa kanyang versatility as an actress.

Ang tinutukoy ni Nadine ay ang horror-suspense movie niya na “Deleter” na kasali sa Metro Manila Film Festival 2022 at mapapanood na simula sa December 25, mismong araw ng Pasko.

“I’m looking forward to seeing myself again on the big screen. I’m really glad that restrictions have been lifted and we can now watch movies in actual theatres again.

“Dapat naman talagang sa big screen manood ng movies, complete with Dolby sensurround for greater viewing experience, lalo na itong ‘Deleter’ na tiyak na mas matindi ang jump scares sa big screen,” pahayag ni Nadine.

In fairness, isa ang aktres sa iilang female celebrities na pwede mong itambal kahit kanino kaya naman kering-keri niyang mag-shine nang solo at walang ka-loveteam.

“Yes, it’s nice to do projects without relying on a regular partner. In ‘Deleter’, wala akong love interest,” aniya.

Sa “Deleter” gumaganap siya bilang, “Lyra, I play a girl who just wants to be left alone. She’s wearing a lot of masks as she had a very traumatic past that she just wants to forget.

“But as the film shows, you cannot just erase or delete the past. When something happens to her friend, si Louise de los Reyes, she becomes an instrument in finding out what really happened to her,” sabi pa niya.

“I’m used to doing romcoms and dramas, so this is really something new for me. Nakakapagod siyang gawin, lalo na ito, techno-horror, so most of the time, I’m all alone at ang ka-interact ko is mga TV monitors lang.

“Wala akong kabatuhan ng linya, so I don’t even really see what’s happening on screen. Our director, Mikhail Red, just tells me kung ano ang dapat na maging reaction ko while I’m watching the monitor.

“So, ini-imagine ko na lang and it’s very challenging as I’ve never done anything like this before,” lahad ni Nadine.

Chika pa niya, “I’m really fond of watching scary films. Gusto ko ‘yung natatakot ako, like one of the most scary films I’ve seen, ‘It Follows’.

“Nakaka-paranoid siya kasi may sumusunod doon sa bida an for several days after the movie, napapalingon talaga ako kasi feeling ko something is really following me,” sabi pa ng dalaga.

Nauna rito, sinagot ng aktres ang tanong kung mabibigyan ng chance na mai-delete ang isang bahagi ng kanyang past ano ito?

“Kung meron man, ito ‘yung pagiging magastos ko when I was younger. Noon kasi, I spend on things na looking back, hindi ko naman talaga kailangan.

“Gusto ko ring baguhin ‘yung sobrang pagiging party girl ko noon. When I look back, parang it’s a waste of time. Now, mas maingat na ako about spending and going to parties. I’d like to think I’m now more responsible,” pagpapakatotoo ni Nadine Lustre.

Donny inisa-isa ang mga nagustuhan sa ka-loveteam: Belle and I are in a happy place right now

Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?

Ken Chan itinuturing na ‘gamot’ sa stress at kalungkutan ang ‘Mano Po: Her Big Boss’

Read more...