Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu…lahat iyan masakit!

Boy Abunda: Natawag na ako ng bobo, pangit, laos, hindi marunong mag-interbyu...lahat iyan masakit!

Boy Abunda

SA dami ng pinagdaanang pagsubok ng King of Talk na si Boy Abunda nitong mga nakaraang buwan ay mas naging matapang at matatag pa ang kanyang pananaw sa buhay.

Kabilang na sa kinaharap na challenge ni Tito Boy ay ang mga pambabatikos at panghaharas sa kanya ng mga taong hindi sumang-ayon sa mga pananaw niya hinggil sa nagdaang presidential elections.

Sa nakaraang presscon na ibinigay sa kanya ng GMA 7 para sa pagbabalik niya sa network bilang Kapuso, natanong ang award-winning TV host kung nanatili ba ang lahat ng mga kaibigan niya o may mga nakalimot ay bumitiw din dahil sa pagkakaiba ng kanilang pananaw about politics?

“Palagay ko, mas marami akong kaibigan. Iilan-ilan lamang at nagdadasal ako na hindi masyadong malalim yun, nagdadasal ako na sana yung pagkakaiba-iba natin ng pananaw, our different opinions  sana, will not define our relationships,” tugon ni Tito Boy.

Patuloy pa niya, “Naalala ko lamang yung isang symposium that I hosted during COVID, ahh, pre-election ito. It was an Asian forum, Zoom lang that I moderated, and we were talking about polarization, yung pagkakahati-hati, pagkakahiwa-hiwalay.


“Na sa Singapore daw ay ang polarization ay benign, samantalang sa Pilipinas ay predatory, na kapag hindi mo halimbawa naintindihan ang choice mo, bobo ka. Or bobo ako.

“Palagay ko, bahagi ito ng paglalakbay natin towards let’s say political discourse. But mature political discourse, or mature behavior as a country, as a people.

“Bahagi yun, hindi naman kasi ako pikon, e. Ito, napag-uusapan natin. Natawag na ako ng lahat, mula bobo to pangit to laos, hindi marunong mag-interbyu.

“Lahat iyan, lahat iyan. I’m not saying that I wasn’t hurt. Masakit! Masakit yun. Pero you get used to pain at a certain point in your life. You get used to pain and you learn how to pray.

“And you learn how to use that pain. Ako, desisyon yun, e. It was a deliberate decision that…that pain I was going to use for me to become a better person.

“Lalo na sa kalagitnaan ng COVID when I was so unsure and all of us were unsure and uncertain as to what was going to happen. Earlier today also somebody asked me what’s the most important lesson I learned during COVID.

“Sabi ko, I take it from Bill Gates, hindi, hindi ko naman original yun. He did a speech at hindi naman ganun ang pagkasabi niya.

“Sabi niya, ‘All of us had to contend with our platitude.’ Simply said and I agree with him, the most important lesson I learned during COVID was that…that realization na lahat tayo, mamamatay.

“That we are on borrowed time. So my deliberate decision is that knowing, cognizant that I am not going to last forever, I want to be kinder.

“I want to be more fair. I want to be more compassionate. I know it’s not going to be a perfect journey to become a better person than who you are today but I will try. I will try to be better,” tuluy-tuloy na pahayag ni Tito Boy.

May wish pa ba o ipinagdarasal kay Lord ang premyadong TV host? “My prayer is really saying ‘thank you.’ As Maya Angelou would say, ‘thank you’ is the language that you use at the presence of God.

“I just really say ‘thank you.’ Ang wish ko, ahh palagay ko wish nating lahat, mabuhay lang tayo nang maayos, malusog, walang sakit. Pumapangalawa na lahat yung, ahh, sana maging matagumpay ang aking palabas sa GMA 7.

“Sana, hindi ako masyadong bugbugin ng mga hindi nakakakilala sa akin, na wala akong utang na loob at marami pang iba, at kung anu-ano pang masasakit na mga salita.

“How do I handle that? Hindi naman ako nagbabasa, e. Hindi talaga ako nagbabasa. I have a very strong support system that gives me fair, honest feedback,” lahad pa ng King of Talk.

Janice de Belen pumalag sa ma-attitude na young star na bida sa teleserye: Attitude rin ako!

Alex problemado sa ipinatatayong dream house nila ni Mikee: Masakit sa ulo kasi nag-feeling ako!

Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Read more...