#PaskoNa: ‘Gingerbread Village’ display bentang-benta sa Bohol, trending sa socmed

#PaskoNa: ‘Gingerbread Village’ display bentang-benta sa Bohol, trending sa socmed

PHOTO: Courtesy Marlo Pimentel Lidot

ISANG nakakamanghang Christmas decoration ang trending ngayon sa social media.

Ito ang “Gingerbread village” na naka-display sa BE Grand Resort a Panglao, Bohol.

Literal na made of bread ang nasabing display at gawa ito mismo ng viral pastry chef na si Marlo Pimentel Lidot na tubong Cebu.

Nakapanayam ng BANDERA si Marlo at naikuwento nga niya na umabot ng tatlong araw para mabuo niya ang Gingerbread Village.

Sey niya, “I made this entire village for 3 days po walang tulugan, but with the assistance of my staff.”

Sinabi pa niya na bagamat naging malungkot para sa kanya ang nakalipas na dalawang taon ng kapaskuhan dahil sa pandemya ay ito rin ang naging inspirasyon niya upang maging positibo sa buhay.

“Despite the sadness and hopelessness that I felt during the pandemic in the last 2 years, I was more inspired this Christmas season to see the great things to keep going in life,” aniya.

Sinabi niya rin sa aming team na nais niyang maging inspirasyon sa marami kahit sa pamamagitan lamang ng ginawa niyang baked display.

Saad niya, “I want to be an inspiration as a Pastry Chef that despite the challenges and problems, we can face everything on it because we have God that provides anything.”

Matatandaang una nang nag-viral si Marlo dahil sa mga ginagawa niyang “artisan breads” na nakahulma ang imahe ng ilang celebrities at bigating personalidad.

Kwento pa noon ni Marlo na lilipad na sana siya papuntang Maldives para magtrabaho, pero naudlot daw ito dahil sa pandemya.

Related chika:

Viral na ‘to: ‘Teacher Santa’ target tuparin ang Christmas wish ng 20 estudyante

Read more...