Noel Trinidad at Liza Lorena
MAY karapatang magbigay ng advice ang veteran actress na si Liza Lorena sa mga baguhang artista ngayon dahil sa tagal na niya sa showbiz industry at sa dami na ng kanyang achievements.
Mahigit 50 taon na sa mundo ng telebisyon at pelikula ang nanay ng premyado ring aktor na si Tonton Gutierrez at in fairness, aktibung-aktibo pa rin siya sa pag-arte sa harap ng camera.
Unang na-discover si Liza Lorena nang magwaging First runner-up sa Binibining Pilipinas noong 1966 hanggang sa makasama na nga siya sa pelikulang “Dahil Sa Isang Bulaklak” (1967) na pinagbidahan nina Charito Solis at Ric Rodrigo.
Mula nang pasukin ang pag-aartista ay nagsunud-sunod din ang pagtanggap niya ng award kabilang na ang ang pagiging best actress sa Metro Manila Film Festival 1986 para sa pelikulang “Halimaw sa Banga.”
At ngayong 2022 nga ay muli siyang bibida sa isang MMFF 2022 entry, kasama ang kapwa veteran star na si Noel Trinidad sa pelikulang “Family Matters,” with Nonie Buencamino, Agot Isidro, Mylene Dizon, James Blanco, Nikki Valdez, JC Santos, Ina Feleo, Anna Luna, Ketchup Eusebio, Roxanne Guinoo at Ian Pangilinan.
Sa nakaraang presscon ng “Family Matters”, natanong ang 73-year-old veteran star kung ano ang maipapayo niya sa mga youngstars ngayon para magtagal sa industriya.
“Una, sana maging professional. Matutong mag-sorry pag late. Marunong gumalang, mag-good morning pag dumating, at maging pleasant sa lahat, sa staff and crew especially.
“Kapag down ang career mo and the industry loves you, makakabalik ka, e. Pero kung hindi maganda ang ugali mo, lahat sila, gustong mawala ka na,” aniya pa.
Sa tanong naman kung hanggang kailan siya mag-aartista, “Ano yun, to retire? Ibig sabihin, magre-retire? Pag hindi na ako maka-memorize, sabi ko nga, du’n ako magre-retire.
“But as long as I can still walk and maybe, kahit naka-wheelchair na ako, if I can still ano, I can be useful pa rin, I will work.
“This is my life, e. This is my husband. I never got married kaya ito ang aking asawa, ang aking trabaho,” mariin pang sabi ng premyadong aktres.
In fairness, sa edad niyang 73 ay nakakabilib pa rin ang memorya ni Liza Lorena at ayaw na ayaw nga raw niya na nababakante siya sa trabaho.
Ipinagmalaki pa nga niya na wala siyang driver at siya pa rin ang nagmamaneho ng sasakyan niya.
Liza Lorena feeling bagets pa rin sa edad na 73; may ibinuking tungkol kay Tonton Gutierrez
Veteran actress may sikreto kung bakit madalas may proyekto sa TV network
Noel Trinidad hirap na hirap nang makarinig; ilang beses ni-lips-to-lips si Liza Lorena sa presscon ng ‘Family Matters’