ALAS-SIYETE palang ng umaga ay marami nang stuntmen ang nakaupo at naghihintay Quezon City Hall para sa pa-ayuda o financial assistance ni Senator Robin Padilla sa pakikipagtulungan nito sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang maganda ay hindi lang movie workers ang kasama sa financial assistance na ito kundi kasama rin ang mga miyembro ng media na kahit saan ka nakatira as far as Laguna and Bulacan ay pasok sa listahan kaya naman ang saya-saya ng lahat ng nakatanggap nito.
Dahil abala si senator Robin kaya ang kuya niyang si Rommel Padilla ang humarap at nagpasalamat sa lahat ng suportang ibinigay sa kanyang kapatid.
Naroon din ang broadcaster na si Ginoong Rey Langit kasama ang anak na si JR na nagpapasalamat din sa mga sumuporta kay Binoe.
At dahil hindi lahat ay nabigyan ng financial assistance kaya magkakaroon ng part two sa pamamahagi ulit ni Robin sa susunod na linggo pero hindi binanggit kung saan ang venue.
Samantala, hindi pa rin totally iniiwan ng aktor – politiko ang industriyang kinamulatan niya pero hindi para umarte kundi ang pagtuloy nito sa programang ilang taon na niyang hino=-host sa NET 25 ang UNLAD: Kaagapay sa Hanapbuhay.
Matatandaang noong kasagsagan ng kampanya ni Robin ay ang asawang si Mariel Rodriguez ang humalili sa kanya bilang host at ngayong na-plantsa na ng senador ang schedule ay aktibo na ulit siyang napapanood sa UNLAD sa NET 25.
Suportado rin ni Sen. Binoe ang local fabric at ito ang naging kasuotan niya sa senado bagay na madalas mapansin sa kanya.
Nabanggit sa amin dati ni Mariel na walang stylist ang asawa at sila-sila ang naghahanda ng susuotin nito bilang suporta sa mga mananahi nating Pinoy.
Sabi rin ni Mariel, “hindi ‘yan mahilig sa imported, lahat ng binili kong branded sa ibang bansa, pinamigay sa staff niya o driver niya. E, wala akong magagawa, ganu’n si Robin. Ayaw din niya ng sobra-sobrang dami, pinamimigay niya para raw magamit at hindi nakatambak lang.”
Bilang isa sa miyembro ng media, maraming salamat senator Robin Padilla sa pagbibigay importansiya.
* * *
Usung-uso talaga ngayon ang pagbubukas ng Aesthetic center dahil halos lahat ng tao ay conscious sa kanilang itsura lalo na ‘yung mga nago-opisina at humaharap sa TV camera. Sabi nga puhunan kasi ang magandang kutis.
Kaya naman ang nagbukas ng bagong branch ang Idara Aesthetics skin care center sa Ayala Malls Feliz, Pasig City at dinaluhan ito ng mga kilalang Tiktok personalities at sila na rin ang endorsers tulad nina Dior Veneracion, Idol Philippines Finalist, Chloe Redondo, at Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate Dustine Mayores. Naroon din ang Mister World Fitness Super Model Philippines 2022 na si Melvin Lopez at ang Pinoy Big Brother: All In housemate Fourth Solomon.
Matagal na naming kilala ang may-ari ng Idara Aesthetics skin Center, ang mag-asawang Phil at Lui Lipnica dahil isa kami sa mga naunang clients nila sa una nilang clinic sa may Scout Borromeo, Quezon City kung saan isinama namin ang ilang kasamahan sa trabaho pagkatapos ng presscon sa ABS-CBN at wala pang pandemya noon.
Noon pa ay pangarap na nina Phil at Lui ang mag-branch out at nagpapatulong pa nga sila noon kung paano makakakuha ng endorser at TV guestings kaya ngayong may apat na silang branches, Quezon City, Ayala Feliz, Robinsons Place Las PInas City.
At dahil sangkaterba na ang aesthetics skin center business ay ano ang edge naman ng Idara sa iba.
Ayon kay Phil, “We consider our unique selling proposition and we make sure we provide care, yun kasi yung number 1 dyan e – dapat ma-feel ng customer mo ‘yung care, so I think that’s really our strength. Kasi from the time na nag-enter yung patients namin, ina-assist sila hanggang pagkatapos. Kumbaga meron kaming end-to-end process na pino-provide sa customers.”
Dagdag naman ng resident Dermatologist na si Dra. Eliza Sanchez, “Na-appreciate ko ‘yung care ng whole clinic. For example, I have a patient. Even if I’m not here everyday, you will feel you are being cared for. Even if you have inquiries or follow ups even before the treatment or after, talagang very prompt yung kanilang response and we will answer all your inquiries. So the patient doesn’t feel na ‘oh tapos na,’ the treatment is done when they leave the door. Idara makes sure that the patients come back,” adding that they also make sure that a medical staff is on standby if there are concerns, questions and queries before or during a session.”
Say naman ng mga Tiktokers ay nagpapasalamat sila at kinuha silang endorsers nina Phil at Lui dahil malaking tulong ito sa kanila para sa kanilang social media accounts.
Maging ang aktor na si Fourth ay alagang-alaga rin ang kutis bilang artista.
Related Chika:
Robin Padilla sawang-sawa na sa kakaendorso ng politiko kaya tumakbo; nawalan ng trabaho dahil kay Duterte
Robin Padilla nabwisit sa ‘barumbadong’ opisyal ng DFA: Senador ako, respetuhin mo ‘ko