4 na Central Luzon areas nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19
SA dalawampu’t na probinsya, apat na lugar sa rehiyon ng Central Luzon ang nakapagtala ng may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.
Ayon sa latest data ng Department of Health (DOH), kabilang sa kanilang listahan ay ang Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, at Bataan.
Nasa pang lima ang Bulacan na may apatnapung bagong kaso.
Pang 14 naman ang Nueva Ecija na may 16 new cases, habang ang Pampanga ay nasa ika-15 na may 15 na bagong kaso.
Ang Bataan naman ay pang 16 sa listahan matapos magkaroon ng 13 na bagong kaso.
Samantala, ang National Capital Region (NCR) ang nasa unang listahan ng DOH na may pinakamaraming bagong kaso na nakapagtala ng 506 new infections.
As of December 16, aabot na ng 18,910 ang active cases sa buong bansa.
Nauna nang pinaalala ng DOH ang tungkols sa pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagpapatupad ng boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor places.
Sa isinagawang media forum ng ahensya noong November 11, sinabi ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dapat maging responsable at kung maaari ay sumunod pa rin sa nakagawiang minimum health standards.
Sey ni Vergeire, “Unang-una, pareho pa rin ang ating health protocols, that we are implementing sa ngayon. So alam natin that we are continuously easing our restrictions. We now have voluntary use of face masks both indoors and outdoors.”
Dagdag pa niya, “So paalala po ng Kagawaran ng Kalusugan, alam po natin na dapat lahat kung ano ‘yung risk level natin kung kailan tayo magtatanggal ng mask at kung kailan sa tingin natin hindi dapat at dapat tayo na naka-mask.”
Ipinaliwanag pa ni Vergeire na bagamat lumuwag na ang mga restriksyon pagdating sa COVID-19, hindi ibig sabihin ay ligtas na tayo sa virus.
Makokonsidera pa rin daw na high-risk sa pagkalat ng sakit ang ilang events na kung saan ay may maraming tao.
Sabi ni Vergeire, “Pangalawa, siyempre parating na ang pasko, marami po tayong parties na pupuntahan. Maraming mga gatherings na maraming tao, reunion ng pamilya, Christmas parties, and all.”
“We know that these kind of events are high-risk at dito kapag high-risk ang sinasabi natin, dito ‘yung mas mataas na tsansa na ikaw ay magkakaroon ng sakit kung sakasakali,” saad pa niya.
Read more:
DOH: Aabot sa 44-M ang nasayang na bakuna kontra COVID-19
DOH iginiit ang pagsusuot ng face mask sa mga Christmas gatherings, events
Health workers nainsulto sa pagtalaga kay Camilo Cascolan bilang Usec ng DOH, anyare?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.