OPISYAL ng nagpaalam ang Hollywood actor na si Henry Cavill sa kanyang pagganap sa DC superhero bilang “Superman.”
Inanunsyo niya ‘yan mismo at kinumpirma sa pamamagitan ng social media.
Sa isang Instagram post, ikinuwento nga ni Henry na nakipagpulong siya sa ilang opisyal ng DC Studios na sina Peter Safran at James Gunn at pinag-usapan nga nila ang tungkol sa kanyang superhero role.
Ikinalulungkot daw ng aktor ang balita pero ito raw ay kanyang nirerespeto.
Sey niya sa post, “I have just had a meeting with James Gunn and Peter Sufran and it’s sad news, everyone. I will, after all, not be returning as Superman. After being told by the studio to announce my return back in October, prior to their hire, this news isn’t the easiest, but that’s life.”
“The changing of the guard is something that happens. I respect that. James and Peter have a universe to build. I wish them the best of luck, and the happiest of fortunes,” aniya.
Sabi pa niya sa fans na huwag maging malungkot dahil mananatili pa rin naman daw si Superman.
Huwag daw kalimutan ang mga paninindigan ng superhero.
Caption niya, “For those who have been by my side through the years…we can mourn for a bit, but then we must remember…Superman is still around. Everything he stands for still exists, and the examples he sets for us are still there!”
Patuloy pa niya, “My turn to wear the cape has passed, but what Superman stands for never will. It’s been a fun ride with you all, onwards and upwards.”
Maraming netizens ang nalungkot sa ibinalita ng aktor at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.
“You were an amazing Superman, can’t wait to see what you do in the coming years.”
“Hope to catch you in another universe (broken heart emoji)”
“You will always be the Superman of our generation brother. Always. (folded hands emoji)”
“You are and will always be our Superman and you are, of course, so much more. Here’s to the brilliance that lies before you.”
Matatandaan noong 2013 nang unang gumanap bilang Superman si Henry sa pelikulang “Man of Steel.”
Related chika:
Out, out and very proud: Bagong Superman sa DC Comics bisexual
Liza Soberano hinarana ni K-pop star Henry Lau, netizens napa-react: ‘Hindi ka pa ba uuwi?’
Raffy Tulfo nagpaalam na sa Idol in Action at Frontline Pilipinas