ILANG araw bago ang pagdiriwang ng Pasko ay hit na hit nanaman ang sikat na Christmas song ng iconic singer na si Mariah Carey, ang “All I Want for Christmas Is You.”
Muli kasing nanguna ang kanya sa “Billboard Hot 100 Charts.”
Dahil diyan ay napatunayan nanaman ng American diva ang kanyang titulong “Queen of Christmas.”
Post ng Billboard sa isang tweet, “She’s back! @MariahCarey‘s “All I Want For Christmas Is You” returns to No. 1 on the Billboard #Hot100! (Christmas tree emoji)”
She’s back! @MariahCarey‘s “All I Want For Christmas Is You” returns to No. 1 on the Billboard #Hot100! 🎄 https://t.co/ZuGtXox7Uz
— billboard (@billboard) December 12, 2022
As of this writing ay ito na ang pang-apat na beses na nag-number one ang kanta sa nasabing Billboard charts.
Ang sumunod sa “All I Want for Christmas Is You” ay ang holiday song na “Rockin’ Around the Christmas Tree” ni Brenda Lee.
Habang number three ang “Jingle Bell Rock” ni Bobby Helms.
Ni-retweet naman ng legendary singer ang post ng Billboard at lubos niyang pinasalamatan ang mga patuloy na sumusuporta sa kanyang Christmas song.
Sey niya sa isang Twitter post, “YAYYYYYYY!!!! (party popper emojis) Such an amazing surprise and an early Christmas gift!!! (random Christmas emojis) Thank you so much!!! (red heart emojis)”
YAYYYYYYY!!!! 🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉 Such an amazing surprise and an early Christmas gift!!! ❤️🎄❄️🎁💜🦋 Thank you so much!!!🥹🥹 Can’t wait to see you tomorrow (today) at MSG and celebrate together!!!! ❤️❤️❤️ https://t.co/PaTPWsjpiB pic.twitter.com/87BvSqA8T8
— Mariah Carey (@MariahCarey) December 13, 2022
Pinasalamatan din ni Mariah ang Billboard Senior Vice President of Charts and Data Development na si Silvio Pietroluongo.
Sa hiwalay na post ay ibinandera ng sikat na singer ang litrato nilang dalawa habang hawak-hawak ni Mariah ang Billboard plaque.
Grateful ❤️🐑@billboard pic.twitter.com/N4T3146tS9
— Mariah Carey (@MariahCarey) December 15, 2022
Ang “All I Want for Christmas Is You” ay ini-release ni Mariah noon pang 1994 at kabilang ito sa kanyang album na may titulong “Merry Christmas.”
Unang beses itong nag-number one sa Hot 100 charts noong 2017.
Related chika:
Jose Mari Chan ‘lumantad’ na sa pagsisimula ng Christmas season; may hiling kay Mariah Carey
Australia hinirang na ‘male supermodel’ sa 2022 Manhunt International contest
Sarah Geronimo ‘honored’ sa pagkakaroon ng billboard sa Times Square, New York