Jolo Revilla, Angelica Alita sweet na sweet sa 3rd anniversary: ‘Basta ikaw ang laging kapiling wala na akong ibang mahihiling…’

Jolo Revilla, Angelica Alita sweet na sweet sa 3rd anniversary: ‘Basta ikaw ang laging kapiling wala na akong ibang mahihiling…’

PHOTO: Instagram/@jolo_revilla

TATLONG taon nang kasal ang actor-politician na si Jolo Revilla at dating beauty queen na si Angelica Alita.

Dahil diyan ay nagpalitan ang dalawa ng super sweet message para sa isa’t-isa sa pamamagitan ng social media.

Una na riyan si Jolo na ibinandera sa Instagram ang napakahabang mensahe kalakip ang sweet photo nilang dalawa.

Sey sa post, “Tatlong taong buhay may asawa ay hindi pang-karaniwan lalo na’t extraordinary ang pagmamahalan natin sa isa’t isa.

“Ikaw ang nananatiling anghel sa lupa na ibinigay sa akin ng ating Panginoon upang makasama ko habambuhay na araw-araw kong ipinagpapasalamat.”

Lubos pang nagpapasalamat si Jolo sa kanyang asawa sa laging pag-intindi at suportang ibinibigay sa kanya.

Ayon sa aktor, “Basta ikaw ang laging kapiling wala na akong ibang mahihiling.

“Thank you for all the support and effort you have given, especially in my public service.”

“Napakadaming oras ang aking ginugugol sa aking trabaho, minsan ay nawawalan na tayo ng oras mag-date, pero you are always there understanding me,” aniya.

“I look forward to many happy years with you. Happy 3rd Wedding anniversary! I love you!,” pagbati ng aktor sa misis.

May post din siyempre si Angelica para sa mister at sinabi sa caption, “Loved you yesterday, love you still, always have, always will. Happy 3rd wedding anniversary my love (white heart emoji) Cheers to us.”

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa at narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa.

“More abundant and blessed years to both of you. Keep counting the stars together even on a rainy day. Love you Cong Jolo and our ever beloved Angel of District 1.”

“Happy Wedding anniversary both of you God bless (red heart emoji)”

“Happy anniversary po! You’re blessed Cong. Jolo to have a supportive wife.. isa ako sa mga nakamayan mo Ma’am Angel before election. May love, respect & trust always be with both of you. God bless”

Taong 2019 nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon sa publiko at matapos ang ilang buwan ay ikinasal na sila sa California.

Related chika:

VG Jolo Revilla prayoridad na itaas ang sahod ng mga manggagawang Caviteño

Jolo Revilla nag-sorry sa mga Cebuano; sablay ang post tungkol kay Lapulapu

True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa ‘My Papa Pi’ ni Piolo?

Read more...