True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa 'My Papa Pi' ni Piolo? | Bandera

True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa ‘My Papa Pi’ ni Piolo?

Reggee Bonoan |February 13,2022
facebook
share this

True ba, Angelica biglang nagkasakit kaya pinalitan ni Pia sa ‘My Papa Pi’ ni Piolo?

Reggee Bonoan - February 13, 2022 - 06:27 PM

Angelica Panganiban at Piolo Pascual

ANG pagkakasakit kaya nang sabay ni Angelica Panganiban at ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang aktres sa bagong Kapamilya comedy show na “My Papa Pi”?

Bigla na lang kasing nawala sa cast ng programa si Angelica na pinagbibidahan ni Piolo Pascual, sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA na si Angelica ang magiging leading lady ni Papa P sa weekly show niya na magsisimula nang umere ngayong Marso.

At may mga katibayan pa nga dahil nag-post ang dating “Pinoy Big Brother” season 10 na si Madam Inutz sa social media na kasama rin sa programa ng mga larawan nila ni Angge at Piolo.

At heto na nga, biglang nawala ang aktres sa kuwento, si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ang magiging leading lady ni Piolo sa nasabing comedy show. Ano kaya ang nangyari kay Angelica?

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Sitsit sa amin ng ilang source, nagkasakit nga raw ang aktres at ang boyfriend nito at gusto muna niyang magpahinga at asikasuhin ang kanyang buhay pag-ibig.

Oo nga, last quarter ng 2021 ay nagtrabaho naman ang dalaga para sa iWantTFC series na “The Goodbye Girl” na eere na rin bukas, Peb. 14.

Sabagay, knowing Angelica pangako niya sa sarili na kapag nagmahal siya ulit ay bibigyan na niya ito nang sapat na oras at mamimili na lang siya ng project na gusto niyang gawin at hindi tulad dati na talagang sinasagad niya ang pagtatrabaho.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Angelica o sinuman sa produksyon ng “May Papa Pi.” Baka may maganda at balidong mga rason naman ang aktres kung bakit siya nawala sa programa.

https://bandera.inquirer.net/299401/angelica-nagsisi-nang-ayawan-ang-four-sisters-and-a-wedding-hindi-ko-pa-rin-siya-pinapanood

https://bandera.inquirer.net/305152/piolo-angelica-madam-inutz-bibida-sa-bagong-comedy-show-na-my-papa-pi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305450/angelica-panganiban-ayaw-nang-maniwala-sa-kembak-kapag-may-history-ng-pambubudol-never-again

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending