Robi Domingo may pasilip sa wedding gowns ni Maiqui Pineda: I'm really getting married now… | Bandera

Robi Domingo may pasilip sa wedding gowns ni Maiqui Pineda: I’m really getting married now…

Pauline del Rosario |December 15,2022
facebook
share this

Robi Domingo may pasilip sa wedding gowns ni Maiqui Pineda: I’m really getting married now…

Pauline del Rosario - December 15, 2022 - 01:39 PM

Robi Domingo may pasilip sa wedding gowns ni Maiqui Pineda: I'm really getting married now…

PHOTO: Instagram/@maiquip_

MUKHANG super excited na ang soon-to-be husband and wife na sina Robi Domingo at Maiqui Pineda!

Sa latest post kasi ng dalawa sa Instagram ay ibinandera na nila ang isang teaser video na kung saan ay ipinapakita ang ilang wedding cakes at gowns ni Maiqui.

Caption pa sa nasabing post, “Right place. Right time. Just right. (ring emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

Libo-libong netizens at ilang celebrities na ang napa-comment sa post at nagpaabot ng pagbati para sa dalawa.

Sey ng TV host na si Bianca Gonzales, “So beautiful, Maiqs!!!!”

“Yun yun o!! (red heart emoji)”, ayon sa TV host-comedian na si Luis Manzano.

Comment naman ng aktres na si Joj Agpangan, “HUHUHUHU KUYA SO HAPPY FOR YOU!!! Congratulations (red heart emojis).”

Ito na nga kaya ang teaser ng kanilang inaabangang pre-nuptial video?

Matatandaan noong Nobyembre nang mag-propose si Robi sa kanyang longtime partner na si Maqui habang sila’y nagbabakasyon sa Japan kasama ang iba pang Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Joshua Garcia, Ria Atayde, at Zanjoe Marudo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Robi Domingo (@iamrobidomingo)

At makaraan nga ng ilang linggo ng wedding proposal ay ibinunyag ng TV host na sinisimulan na nilang planuhin ang kanilang dream wedding.

“Yes, we are. It’s gonna be a short engagement,” ang pahayag ni Robi sa Kapamilya Online Live habang umeere ang “ASAP Natin To.”

Sey pa ng TV host, ipinauubaya na niya kay Maiqui ang lahat ng desisyon tungkol sa mga detalye at iba pang kakailanganin sa wedding basta siya na ang bahala sa budget at finances.

“But of course lahat ng mga decisions, mapupunta sa kanya. As much as I want to say it’s a joint celebration, it is actually, siyempre we are gonna be celebrating our love and marriage pero right now, totoo pala yung sinasabi nilang ‘happy wife, happy life,’” aniya pa.

Chika pa ni Robi hinggil sa pagiging perfect match nila ni Maiqui, “You have to be ready for the moment and the moment has to present itself. Kailangan maging handa ka rin sa sarili mo.

“Lagi nating sinasabi na kapag nakita mo yung mahal mo, siya na yung ‘the one.’ Every relationship, dapat siya na yung ‘the one.’”

Samantala, may IG post din si Maqui ng ilang litrato na suot ang ilang wedding gowns at nilinaw na noong 2019 pa ang ibinanderang recent video.

Sey pa niya sa caption, “Because someone a.k.a. @iamrobidomingo decided to share the video from a shoot I did in 2019…here are the beautiful photos taken from that day too. At least this time, I’m really getting married now (Grinning Squinting Face emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maiqui (@maiquip_)

Related chika:

Robi Domingo, Maiqui Pineda pinaplano na ang dream wedding: It’s gonna be a short engagement

Robi Domingo walang sama ng loob kay Zeinab Harake: Ba’t naman ako magagalit kung totoo naman na mahina…

Robi Domingo, Maiqui Pineda engaged na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending