MALAPIT nang simulan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagpaparehistro ng subscriber identity module (SIM) card.
Ayon sa NTC, pupwede nang magrehistro ang mga kababayan simula sa December 27 at ito raw ay ilulunsad lamang via online.
Para sa mga nagtatanong kung hanggang ilang SIM cards nga ba ang pupwede kada tao?
Nilinaw ni NTC consultant Edgardo Cabarios, walang limitasyon sa bilang ng mga SIM cards, pero kailangang maging maingat ang may-ari nito sa anumang hindi awtorisadong paggamit.
Sey ni Cabarios sa isang press briefing, “a user with multiple SIM cards should be responsible for all of them because each one of the cards carried that person’s identity.
“One might be forgotten or lost and used by someone else.”
Dagdag pa niya, “And if it’s used for illegal activities, you will be the number one suspect, the primary suspect. So, you might have second thoughts about registering too many SIMs.”
Kung matatandaan, ang “Sim Card Registration Act” ang kauna-unahang batas na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos noong Oktubre.
Layunin nito na maprotektahan ang SIM users mula sa mga “scam messages.”
May malaking tulong din ang bagong batas sa gobyerno upang ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.
Nauna nang sinabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil na, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”
May abiso pa nga ang NTC sakaling mawala o manakaw ang SIM cards na kaagad isumbong sa telecommunications company upang ma-deactivate within 24 hours upang hindi na magamit sa anumang ilegal na aktibidad.
Narito ang ilang bagong update tungkol sa SIM card registration law:
Ilang SIM cards ang inaasahang marerehistro?
Ayon sa latest report ng NTC, nasa 158.6 million ang may aktibong SIM cards at 82% nito ay mga naka-prepaid.
Base sa Smart Communications Inc., mayroon silang 71.2 million mobile, internet at digital subscribers.
Ang Globe Telecom Inc. ay may mahigit 87.4 mobile customers as of October ngayong taon.
Ang Dito Telecommunity naman ay nasa 14 million subscribers as of Dec. 14.
Bilang paghahanda sa ilulunsad na SIM card registration, ang bawat telcos ay required na magtayo ng sariling websites na kung saan pwede magrehistro ang kanilang customer.
Sabi ng NTC consultant, “It’s on their (telcos’) platform because the intention is that no one else should get hold of the private information that you will be supplying.
“The private information should be well protected because it will be dangerous if others can get it to use for their own benefit.”
Sino-sino lang ang awtorisadong kumuha ng personal information?
Ayon sa batas, tanging telco companies lang ang pwedeng kumuha ng personal information para sa mga bibili ng SIM cards simula December 27.
Walang karapatan ang mga sellers o nagbebenta ng SIM na kumuha ng detalye sa kanilang customer.
Nilinaw din ng NTC na ang lahat ng SIM cards na mabibili simula December 27 ay naka-deactivate at magiging activate lang daw ikapag narehistro na sa online.
Samantala, ang postpaid subscribers ay kailangan na lamang kumpirmahin o i-update ang kanilang impormasyon sa telco companies.
Para naman sa mga lugar na walang internet, magkakaroon ng “registration centers” ang mga lokal na pamahalaan.
Kailangan pa bang magrehistro ang dayuhang turista?
Maaari ding kumuha ang mga dayuhang turista ng SIM cards, ngunit ito ay may bisa lamang ng hanggang 30 na araw.
Kailangan nilang magbigay ng kopya ng kanilang passport, proof of hotel booking at return ticket.
Ang mga banyagang may balak namang tumira, magtrabaho at mag-aral sa ating bansa ay kailangang magpakita ng government-issued permits at alien certificate of registration.
Ano ang magiging parusa?
Ang mga mahuhuling magbibigay ng maling impormasyon o namemeke ng kanilang “identity” ay posibleng patawan ng anim na buwan hanggang dalawang taon ng pagkakakulong o kaya ay magbabayad ng P100,000 to P300,000.
Heto naman ang mga naunang detalye tungkol sa bagong batas:
-
Ang mga bibili ng SIM cards ay kailangang mag-presenta ng valid identification document sa telco companies at direct sellers.
-
Ang mga may “existing” SIM cards ay kailangan mag-register sa loob ng 180 na araw mula sa pagiging epektibo ng batas dahil kung hindi, maaaring ma-”deactivate” ang number.
Sino-sino ang pwedeng magrehistro?
Gaya sa unang nabanggit, kailangang mag-register ang mga “existing” SIM subscribers – prepaid man o postpaid.
Naka-register din dapat syempre ang mga bibili ng bagong SIM, kasama na riyan ang foreign nationals.
Kung menor de edad naman ang gagamit, dapat nakapangalan sa kanilang mga magulang o guardian ang kanilang SIM cards.
May bayad ba ang pag-register?
Wala, libre ang pagpaparehistro.
Ano ang mga requirements para makapag-register?
May dalawang requirement lang ang kailangan ayon sa bagong batas.
Una na riyan ang “registration form” na makukuha mula sa telco company.
Kailangang sagutan ang nasabing form na naglalaman ng ilang personal na impormasyon tungkol sa inyo, gaya ng inyong buong pangalan, birthday at address.
Pangalawa naman ay dapat magdala ng “valid government-issued ID cards,” gaya ng passport, SSS ID, UMID, at driver’s license.
Read more:
Mas maraming Pinoy aprub sa ‘Sim Card Registration Act’ – SWS
Mga besh, knows n’yo na ba ang tungkol sa ‘Sim Card Registration Act’?
Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato