MAGKASUNOD na 4.6 magnitude na lindol ang naramdaman ngayong araw, December 15, sa may Visayas at Mindanao.
Nauna na riyan ang nasa Northern Samar na nilindol kaninang 3:44 a.m.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa bayan ng Lope De Vega.
Habang ang pagyanig naman sa Davao Occidental ay naganap kaninang 4:42 a.m. at ang sentro nito ay nasa isla ng Balut sa may bayan ng Sarangani.
Base sa report ng Phivolcs, wala namang naitalang mga intensity o pagyanig sa kalapit na mga lugar.
Tiniyak din ng ahensya na walang aasahang aftershocks, pati pinsala ng mga ari-arian at imprastraktura.
Read more:
Janno Gibbs ramdam na ramdam ang lindol sa La Union; Sunshine Guimary naiyak, na-trauma
Beatrice Gomez muling nanawagan ng tulong para sa mga biktima ni Odette: We cannot make them wait