Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko 'tong taong 'to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Gloc-9 at Chito Miranda

TODO papuri ang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa premyadong rapper-songwriter na si Gloc-9.

Napatunayan muli ni Chito na ibang klase talagang makisama si Gloc-9 sa kanyang mga katrabaho at kapwa musikero at ang pagiging professional nito mula noon hanggang ngayon.

Bukod daw sa napakabait na tao ay marunong pa raw itong rumespeto at magpahalaga sa mga artist na nakakasama at nakakatrabaho niya.

Aniya, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay very visible at aktibo pa rin ang award-winning musician sa entertainment industry.

Nag-post ang mister ni Neri Miranda sa IG ng litrato nila ni Gloc-9 na magkasama at nilagyan ng caption na, “Nandito na si Gloc9….namiss ko ‘tong taong ‘to.”

“Napaka-bait nya lang talaga.


“May gig kasi kami sa Alabang, pero maaga natapos yung set nya tapos galing pa sya sa ibang gig tapos may flight pa sya mamayang madaling araw.

“Sabi ko wag na sya mag-jam para makapagpahinga sya.

“Nag-stay pa rin sya para mag-Bagsakan. Iba talaga kaya pinagpala,” ang kabuuang mensahe ni Chito para kay Gloc-9.

Sagot naman ng rapper sa kapwa niya OPM icon, “Basta Parokya Fight!!! Good To see you ulit Chits namiss ko kayo sobra sa susunod ulit!!!”

Kamakailan ay napa-throwback naman si Chito noong panahong nagsisimula pa lamang ang Parokya ni Edgar bilang banda.

Nami-miss daw niya yung mga araw na nagsisimula pa lang ang kanilang grupo sa induatriya ng musika.

Nag-share ng lumang litrato si Chito ng Parokya sa kanyang Instagram account at binalikan nga ang naging buhay nila noong nagsisimula pa lang silang mangarap bilang grupo.

Aniya sa caption, “Nakaka-miss yung feeling magbanda nung bago pa lang kami.

“Nag-grocery kasi kami kanina ni Neri, and during the trip home, nakwento ko sa kanya kung paano yung mga buhay naming magkakabanda dati bilang mga estudyante nung nagsisimula pa lang yung Parokya.

“Yung tipong kahit 10pm pa kami sasalang, magkikita-kita na kami ng hapon after classes tapos tatambay na kami hanggang gabi kasi sobrang excited kami tumugtog.

“Yun yung mga panahon na wala kaming ibang iniisip kundi tumugtog, magsulat ng kanta, mag recording, at tumambay kapag walang gig…

“At kahit na wala kaming pera (maliban kay Dindin), at kahit na wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin nun.

“Sobrang saya pa rin naman hanggang ngayon…pero iba rin talaga yung electricity, energy, at excitement nung nagsisimula pa lang kami.

“Tapos unti-unti naming nararamdaman na nakikilala na yung banda namin, at dahan-dahan naming napapansin na nabibili na namin lahat ng mga gusto naming bilhin,” pagbabahagi pa ng celebrity daddy.

“It’s been 28yrs since we started playing professionally, and 25yrs since we came out with our 1st album. It’s been a wild and fantastic ride…but all good things must come to an end. Fortunately for Parokya, feeling ko matagal pa yun,”aniya pa.

Gloc-9 mas piniling maging rapper kesa ipagpatuloy ang buhay bilang nurse

Misis ni Gloc-9 ibinuking ang presyo ng suot nila sa kasal: Yung wedding gown ko P1,500, yung barong niya P2,500…

Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya ni Edgar: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin

Read more...