Matet sawang-sawa na sa pag-intindi kay Ate Guy: ‘Hindi ko na siya kakausapin ulit, ginawa ko na ang lahat’

Matet sawang-sawa na sa pag-intindi kay Ate Guy: 'Hindi ko na siya kakausapin ulit, ginawa ko na ang lahat'

Nora Aunor at Matet de Leon

MUKHANG matatagalan pa bago magkaayos ang mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon na nagsimula sa umano’y pagtraydor ng nag-iisang Superstar sa kanyang anak.

Masamang-masama pa rin ang loob ng Matet kay Nora at sa kampo nito dahil sa panggagaya at pagkumpetensiya sa kanyang gourmet tinapa at tuyo.

Hindi matanggap ng celebrity mom na gagawin sa kanya yun ng sariling ina, “All of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko. Alam niyang may produkto akong ganyan.”

“Honor thy father and mother. How? How can I do that now? Ay, ampon pala ako,” ang bahagi ng pahayag ni Matet na ipinost niya sa kanyang Instagram account nang malaman ang ginawa ni Ate Guy.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Matet na mapapanood sa YouTube, sinabi ng aktres na ang nakababatang kapatid niyang si Kenneth de Leon ang nagsabi sa kanya na ginaya ng kanilang ina ang negosyo niya.

“‘Yung sinabi ng kapatid ko na, ‘Bakit ‘di ka na lang mag-resell ka ng products ni mommy?’ Ginano’n ako ng bunso namin…baka nga ginawa ko pa ‘yon kung napag-usapan,” ani Matet.

Feeling ng aktres, talagang tinraydor siya dahil huli na nang sinabi sa kanya na kakalabanin pala ni Nora ang negosyo niya at ang masakit pa kakuntsaba pala ang utol niyang si Kenneth at ang girlfriend nito.


“Ang alam ko, tinago nila sa akin because the girlfriend of my brother, both of them, kasama sila sa nagbuo nito,” ani Matet.

“Bakit hindi niyo sinabi kung walang intensyong mang-asar? Kasama ko pa ‘yung girlfriend kasi lilipat sila malapit sa bahay namin. Tinitingnan ako sa mata nung bagets nang parang walang nangyayari,” himutok pa ni Matet.

Sa isang Instangram post ng aktres, nilinaw din niya kung bakit galit na galit siya sa nangyari, “I will clear this out for the blind ones. It’s not about the products. Ang masakit sa akin hindi ‘yung produkto, ‘yung ginawa niya mismo.”

“Tuwing may gagawin na sablay si mommy, kahit ‘di kami nagsasalita, kami ang binabanatan niyo. Bakit gano’n?” aniya pa.

Manhid na rin daw siya sa mga bashers, “It doesn’t hurt me anymore, what they’re saying, because number 1, they don’t know the truth and number 2 they’re just there for the circus of all of this.”

Pagpapatuloy pa ni Matet, “Nagbabayad pa rin ako ng utang na loob kasi marami pa kayong hindi alam. Kapag lumabas ‘yon, masisira lahat.”

“Parang hindi na maaayos kasi hindi ko alam kung paano mo magagawa ‘yan sa anak mo. Hirap na hirap kaming magkakapatid. Paulit-ulit na lang.

“Para kaming nakatali, para kaming nakabusal na sinasampal niyong lahat na wala kaming kwentang ampon. Hindi namin masabi sa inyo ‘yung pinagdaanan namin kasi masisira si mommy,” mariing sabi ni Matet.

Dagdag na sabi naman ng aktres kay Ogie, “Hindi ko na siya kakausapin ulit. Kasi parang sa akin, ginawa ko na ang lahat.”

“Pero makakaasa pa rin naman siya ng respeto galing sa amin at katahimikan sa mga hindi dapat pag-usapan. Yung health niya pinagdadasal ko gabi-gabi ‘yan. Ayaw nating may mangyaring masama (sa kanya),” mensahe pa ng kapatid nina Lotlot at Ian de Leon.

Matet naloka sa tuyo at tinapa ni Ate Guy: Nagulat ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko!?

Matet de Leon pumalag sa basher na nagsabing ‘laos’ na siya: Hindi po nalalaos ang supporting actors

Matet lukang-luka kay Ate Guy: Para akong tinraydor! Grabe, ampon na ampon ang pakiramdam ko ngayon mga ‘tol!

Read more...