Ang mga nagwagi sa Dance-Cosplay contest ng ‘Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change’
NABUDOL nga ba ang founder ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) na si Doc Michael Aragon?
Ang kausap nila at ka-deal na dating konsehal sa Quezon City ay hindi tumupad sa pangakong sasagutin nito ang premyo para sa mga mananalong contestants sa Dance-Cosplay.
May advocacy concert-event last November 30 si Doc Mike bilang chairman ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI) na ginawa sa Scout Borromeo corner EDSA, Quezon City na may titulong “Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change” bilang bahagi ng Clean Air Month nitong Nobyembre.
Ito ay para mag-create ng awareness sa madlang pipol tungkol sa climate change at ang masamang epekto nito sa ating kalusugan.
Nagkaroon sila ng dance-cosplay contest na ang nakuha nilang sponsor ay ang dating konsehal sa District 2 ng Quezon City.
Ayon kay Doc Michael, minsan lang niyang na-meet ang nasabing konsehal na ipinakilala sa kanila ng partner nila sa Flash TV.
Nag-face-to-face meeting sila at nag-pledge naman daw ang konsehal ng P70,000 na papremyo para sa grand winner at apat pang magwawagi sa iba’t ibang categories.
Bago sumamit ang araw ng event ay ni-remind ng staff ni Doc Mike ang konsehal pero hanggang nu’ng mismong araw ng concert ay hindi na ito nagpakita o nagparamdam man lang.
At nu’ng Huwebes, Disyembre 8 ay awarding na ng winners at inaasahan nilang darating ang dating konsehal para ibigay ang pangakong papremyo sa mga nanalo pero hindi na nga siya makontak.
At dahil umaasa ang mga nanalo sa dance-cosplay contest ay personal money ni Doc Michael ang ibinigay niya sa mga winners para lang ‘di mapahiya ang KSMBPI at CAPMI.
Si Jolito Beral ang overall-winner sa cosplay contest kung saan si Sun Wukong ang napili nitong character at nag-uwi siya ng P30,000.
Tig-P10,000 naman ang naiuwi ng iba pang winners sa apat na categories na sina Kean Juries as Chainsaw Man (Anime), Joren Dave Rivas as Dragon Wukong (Armor), Glenn Cuevas as Joker (Cloth) at Eliza Ann Pecaoco as Freya (Games).
Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako
‘Dance Versus Climate Change’ hahataw na para sa 2022 National Clean Air Month, mapapanood sa ALLTV 2