Igan tinira ang mga ‘lintang walang kabusugan’ na nambibiktima sa mga Pinoy: ‘Sa huli, impiyerno ang pupuntahan’

Arnold Clavio tinira ang mga 'lintang walang kabusugan' na nambibiktima sa mga Pinoy: 'Sa huli, impiyerno ang pupuntahan'

Arnold Clavio

MATAPANG na naglabas ng saloobin ang veteran broadcast journalist at news anchor tungkol sa mga opisyal ng gobyerno na nagbabalat-kayo.

Nag-post ng isang video si Igan sa kanyang Instagram page last Sunday, December 11, kung saan ipinakikita kung paano “inuubusan” ng mga nasa pamahalaan ang sambayanang Filipino.

“Hindi maiintindihan ng taong buwakaw ang mensahe ng videong ito. Mga nagbabalatkayo sa serbisyo publiko. Mga nakamaskara para sa interes daw ng mamamayang Pilipino,” ang simulang hugot ng Kapuso broadcaster sa kanyang IG post.

Pagpapatuloy pa niya, “Kay daling lustayin ang perang hindi mo naman kasi pinaghirapan. Sa nakararami, ang pera, hanggang sa huling sentimo ay nagsisilbing ugat na daluyan ng dugo para mabuhay.

“Ang mga lintang walang kabusugan na magreresulta sa pagkatuyot ng mamamayan ang dapat manmanan, iwasan, gisingin, punahin at papanagutin ng bayan,” dagdag pa ni Igan.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang mga pangakong iangat ang buhay ng mga dukha ang paboritong mensahe ng mga tao na wala talagang plano.


“Mahusay na laruin ang tainga ng mga mahihirap at iparinig ang pagdating ng paraiso. At sa huli, impyerno pala ang pupuntahan.

“Ang tanong, kumusta naman ang buhay nila? Nag-aalala ba bukas ? May pangamba ba sa susunod na linggo? Umaasa ba sa wala? Madaling ipangako ang langit. Pero madaling papaniwalain na ito ay maaabot at bahala na kung imposible talaga.

“Ang mahirap, ay paglaruan ang damdamin ng mga mahihirap. Bulag na naniniwala ng magandang bukas. Manhid na sa mga matatamis na dila at hanggang doon na lang,” mariing sabi pa ng news anchor.

Paalala naman ni Igan sa lahat ng nga Filipino, “Nasa ating mga kamay at isipan na maiahon ang mga sarili mula sa pagkasadlak  Habulin ang mga pangarap. Hindi dapat tumigil mangarap habang tagaktak ang pawis at banat ang mga buto.

“Hindi habambuhay ang kausap nila ay tanga! Walang Personalan,” dagdag pa niya.

Nauna rito, naglabas din siya ng hugot sa kontrobersyal na Maharlika Fund, “Sa ilang araw ng pakikinig ko sa mga diskusyunan o kaliwat kanang panayam, natatabunan ng kredibilidad ng mga personalidad na nasasangkot ang magandang intensyon ng MWF.

“Dahil ang mga pinuno ng mga lalahok na MAHARLIKA ay pawang mga presidential appointees at never na makikipag-debate sa mga eksperto.

“Hindi rin maipagkakaila na ang Pilipinas ay baon sa utang , international at domestic, para isugal pa ang natirirang pondo ng mga government, sa Maharlika funds. Walang personalan,” pahayag pa ni Igan.

Arnold Clavio nahawa pa rin ng COVID-19 kahit super tindi na ang ginagawang pag-iingat: Be careful everyone!

Arnold Clavio sa paggamit ni Manny Villar sa ABS-CBN frequency: Anong tawag sa viewers nila… Ka-Mella?

4 na Kapuso host kanya-kanyang hirit ng kanilang kuwentong ‘frogs’ habang naka-quarantine

Read more...