2-1 LEAD PAKAY NG SAN MIG, MERALCO | Bandera

2-1 LEAD PAKAY NG SAN MIG, MERALCO

Barry Pascua - October 04, 2013 - 03:01 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7:15 p.m. San Mig Coffee vs Meralco

NGAYONG tabla na ang serye, 1-all, mas magiging maigting ang bakbakan sa pagitan ng Meralco at San Mig Coffee sa Game Three ng best-of-five semifinal round ng 2013 PBA Governors’ Cup mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang Bolts, na sigurado na sa pinakamataas nilang placing sa siyam na conferences bilang miyembro ng pro league, ay nagpamalas ng matinding depensa sa Game Two noong Martes upang magwagi, 73-69, at itabla ang serye, 1-all.

Ang San Mig Coffee, na sumegunda sa Rain or Shine sa conference na ito noong nakaraang taon, ay nanalo sa Game One, 83-73.

Ang mgwawagi sa seryeng ito ay makakalaban ng mananalo sa kabilang serye sa pagitan ng Petron Blaze at Rain or Shine sa best-of-seven championship round.

Mainit kaagad ang naging simula ng Meralco sa Game Two at nagposte ang Bolts ng 19-8 abante matapos ang first quarter. Inalagaan ng Bolts ang kanilang kalamangan at hindi hinayaang makabawi ang Mixers hanggang sa dulo.

Dinaig ni San Mig Coffee import Marqus Blakely ang kanyang kalabang si Mario West sa scoring, 24-19, subalit hindi siya nakakuha ng gaanong suporta buhat sa mga locals.

Tanging sina two-time Most Valuable Player James Yap at sentrong si Yancy de Ocampo ang nagtapos nang may double figures sa scoring para sa Mixers.

Sina Joe Devance at Gilas Pilipinas member Marc Pingris ay kapwa nabokya samantalang si Peter June Simon ay umiskor lang ng tatlong puntos.

Sa kabilang dako, apat na Meralco locals ang sumuporta kay West at gumawa ng twin-digits sa scoring.
Nagtala ng 15 puntos si Reynel Hugnatan, gumawa ng tig-12 puntos sina Sunday Salvacion at Clifford Hodge samantalang nagdagdag ng 10 puntos si Jared Dillinger.

“We have to keep up the defensive pressure,” ani Meralco coach Paul Ryan Gregorio na kaharap ang kanyang dating koponang ngayon ay hawak ni coach Tim Cone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Idinagdag ni Gregorio na mas gutom ang Bolts kaysa sa Mixers at hindi sila kuntento na makarating lang sa Final Four. Nais nilang umabot sa championship round sa unang pagkakataon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending