Ako ba ang mahal? | Bandera

Ako ba ang mahal?

Joseph Greenfield - October 04, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nelia, ng Barangay Tumaga, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Ang mga lalaki nga naman.  Kapag nadiskubre na may asawa na ay parang totoo ang dahilan kung bakit nanligaw pa sila ng iba pang babae.  May asawa ang boyfriend ko. Ang sabi niya sa akin, pinikot lang daw siya at pilit na ipinakasal ng mga magulang niya sa asawa niya kahit hindi niya ito mahal. At ngayon daw na natagpuan niya na ako, handa raw siyang iwanan ang kanyang asawa para magsama kami.  Noong una, ang akala ko ay binata siya, pero nang may nangyari na sa amin at naramdaman niyang mahal na mahal ko na siya, doon lang niya sa akin inamin na may asawa at pamilya na siya. Itatanong ko lang kung kahit na may asawa na siya, may pag-asa kaya kami na kami  pa rin ang magsasama habambuhay pagdating ng panahon? Ang sabi niya, kumukuha lang siya ng pagkakataon, iiwan niya  at hihiwalayan ang kanyang asawa upang kami na raw ang magsama habambuhay. Totohanin kaya niya ang pangako niya o binobola lang niya ako? Kung hindi siya, may darating pa kayang ibang lalaki na makakasama ko habambuhay?
Umaasa,
Nelia, ng Barangay Tumaga, Zamboanga City
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Nawasak ang unang bahagi ng iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow 2.). Ibig sabihin, sa ngayon kabiguan at kalungkutan sa pag-ibig ang iyong mapapala ngunit sa susunod na taon 2014, unti-unti ka nang liligaya.
Cartomancy:
Ang Two of Hearts ang nagsasabing kung unang pag-ibig mo pa lang ang kasalukuyan mong karelasyon, tiyak na may darating pang ikalawa. Ang Jack of Clubs ay nagsasabing ang ikalawang pag-ibig ang higit na mas magiging masaya at pang habambuhay na, na ayon sa Three of Hearts ay nakatakdang dumating sa taon 2014. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending