Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: ‘It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina’

Geneva matindi ang pinagdaanan bilang single mom: 'It will take patience, self-love, self-care para maging isang maayos na ina'

Geneva Cruz

HINDI rin naging madali para sa singer-actress na si Geneva Cruz ang naging journey niya bilang isang single mother lalo na noong nanirahan siya sa Amerika sa loob ng anim na taon.

Ayon kay Geneva, tulad ng halos lahat ng nanay na solong bumubuhay at nag-aalaga sa kanilang mga anak, marami rin siyang pinagdaanang pagsubok na talagang sumubok sa kakayahan niya bilang magulang.

Kuwento ng Kapuso actress, ang plano lang talaga niya noon ay mag-stay sa US ng isang taon matapos isilang ang second child niya na si London noong 2014.

Ngunit biglang nagbago ang plano nang dahil sa 18-year-old son niyang si Heaven (anak naman niya sa ex-husband na si Paco Arespacochaga), “When I gave birth to my daughter London (anak niya sa dating boyfriend na si Lee Paulsen) sa Amerika, it changed my life.

“Kasi my son needed me so I stayed for five more years. Dapat one year lang ako. I didn’t come home for a long time,” ang pahayag ni Geneva sa interview ng MomCenter Philippines.

“My son needed me and during that time feeling ko ang dami kong pagkukulang sa binata kong anak kasi nung naghiwalay kami ni KC (Montero, ang isa pa niyang ex-husband), doon na siya natira sa America and he was like 11 years old that time so when I moved there when 18 years old siya, we had a talk and I realized na kailangan ko bumawi,” paliwanag ng OPM artist.


Nagpapasalamat siya sa Diyos na binigyan siya ng chance na makasama at maganayan ang kanyang panganay noong mga panahong yun.

“‘Yung mga bagay na ginagawa ng isang nanay para sa anak na hindi ko nagawa for a long time para sa anak nagawa ko sa Amerika. It was good. It was amazing.

“Kasi kapag 18 years old ang tao di ba parang mas maraming pinagdadaanan. Maraming confusion kasi you are growing up. ‘Yung emotions natin medyo parang hindi natin naha-handle so it was a great bonding time for me and my son,” dagdag pa ni Geneva.

Nabanggit din niya na nagkaroon siya ng regular na work sa US bukod sa mga raket niya doon bilang singer, “I found a 9-to-5 job. I worked at a medical spa. I knew that I had to look for work, hindi ‘yung pwedeng on the side meron lang concerts although malaki naman ‘yung bayad sa Filipino community around the US.

“Pero iba pa rin ‘yung araw-araw na may trabaho lalo na if dalawa ‘yung anak mo at single mother ka. So ‘yun ang ginawa ko,” aniya.

Ito naman ang advice ni Geneva sa lahat ng single mothers, “Hindi magiging madali ang lahat, it will take patience, self-love, self-care, and attention para maging isang maayos na ina.

“Ibig sabihin, kailangan din natin alagaan ang ating sarili para maalagaan natin ang ating mga anak nang maayos.

“Part natin, sa pagiging babae to make sure na aware tayo sa mga hindi maganda sa atin kasi hindi naman po tayo perfect,” mariin pa niyang sabi.

Matagal-tagal na rin sa Pilipinas si Geneva kasama ang anak na si London.

Geneva Cruz rumesbak sa basher na nagsasabing ‘trying hard’ siya: It is a reflection of how bad you feel about yourself

Geneva ipina-tattoo sa braso ang pangalan ng yumaong ina; anak kay Paco 26 years old na

Basher basag na naman kay Geneva: Magsusuot ako ng swimsuit sa beach o sa bahay kung gusto ko!

Read more...