Darryl Yap naghahanap ng gaganap na Leni Robredo, Rodrigo Duterte at VP Sara para sa part 3 ng ‘Maid In Malacañang’

Darryl Yap naghahanap ng gaganap na Leni Robredo, Rodrigo Duterte at VP Sara para sa part 3 ng 'Maid In Malacañang'

Sara Duterte, Darryl Yap at Leni Robredo

NAPAKARAMING nagbigay ng suggestion kay Darryl Yap matapos siyang mag-post tungkol sa part 3 ng “Maid In Malacañang”, ang “Mabuhay Aloha Mabuhay”.

In fairness, ginagawa pa lang ni Direk Darryl ang part 2 ng kanyang kontrobersyal at blockbuster film na “Martyr or Murderer” (MoM) ay tinatrabaho na rin niya ang “Mabuhay Aloha Mabuhay” (MAM.”

Ngayon pa lang ay naghahanap na ang direktor at ang kanyang team ng mga artistang gaganap bilang si dating Vice President Leni Robredo at Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang Facebook page ipinost ni Darryl ang tungkol dito, “Habang nagbabyahe kami papuntang Pagudpud, tumawag ang boss ko at narealize ko na Dec 7 pala ang binigay ng Viva para sa final casting ko ng #MAM o MABUHAY ALOHA MABUHAY, ang part 3, kung saan aabot na ito sa pagkapanalo ni PBBM ngayong 2022.


“Aside from having artistas for the Marcoses sa kanilang current age, sumasakit ang ulo ko sa tanong na ito: Sino ang gaganap na RODRIGO DUTERTE, INDAY SARA DUTERTE, LENI ROBREDO, MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, ngumunguya na ako ng 4 na biogesic,” dagdag pa ni Direk.

Kanya-kanya namang comments ang mga netizens sa FB post ng direktor at nagbanggit nga ng mga celebrities na pwedeng gumanap bilang sina Leni Robredo, Sara Duterte, Rodrigo Duterte at Miriam Santiago.

“Toni Gonzaga as Leni or Alex Gonzaga.”

“Pag Leni direk its either Agot, Melai or Nikki Valdez, certified kakampink.”

“Philip Salvador as Former Pres. Rodrigo Duterte (Same strong personality), Aiko Melendez as VP Sara Duterte ( Same aura), Amy Perez as Leni Robredo (Same na lutang) char! Juanita Galvez (Tita ni Daniela sa Kadenang Ginto) as Miriam Santiago.”

“Philip Salvador as Pres Duterte… Leni as herself as you can’t find anybody else.”


“Ms. Sylvia Sanchez as Leni… Ms. Aiko Melendez as VP Sara. Ms. Dimples Romana as Madam MDS. Kaya lang very loyal Kapamilya si Ms. Dimples.”

“For RRD po I consider Edu Manzano, Inday Sara, anak ni Sylvia Sanchez, kay Leni si Cherry Pie Picache kaya lang puro kakampink eh.”

Kayo, dear BANDERA readers, sinu-sino sa tingin n’yo ang mga artistang babagay sa mga bagong karakter na bibida sa part 3 ng “Maid In Malacañang”?

72 anyos na nanay ni Nikki Valdez takot na takot noong mag-join sa rally; Vice may pa-surprise kina VP Leni at Angel

Ai Ai, Andrew E nagbubunyi sa ‘winning moment’ nina Bongbong at Sara: Ibibigay ni Lord ang the best para sa ating lahat

Pamangkin ni Vice rumesbak sa nagsabing umaasa lang sila sa TV host para mabuhay: Nakakabastos po!

Read more...