Barbie Forteza, Jak Roberto napag-uusapan na ang kasal: Pero hindi naman kami nagmamadali!

Barbie Forteza, Jak Roberto napag-uusapan na ang kasal: Pero hindi naman kami nagmamadali!

Barbie Forteza at Jak Roberto

NAPAG-UUSAPAN na ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang tungkol sa kanilang future kabilang na riyan ang pagpapakasal.

Inamin ng magdyowa na may mga pagkakataon na nata-touch nila ang subject about their wedding at having a family of their own lalo pa’t limang taon na rin silang magkarelasyon ngayon.

Sa guesting nina Jak at Barbie sa “Updated with Nelson Canlas”, naitanong nga sa dalawang Kapuso stars kung napag-uusapan na nga nila ang paglagay sa tahimik at bumuo na ng sariling family.

Tugon ni Barbie, “Napagkukuwentuhan naman, pero wala pang like malinaw na plano but napag-uusapan namin.” Na sinagot ni Jak ng, “Magugulat ka na lang.”

Diin ni Barbie, hindi sila nagmamadali ni Jak na magpakasal dahil nais kuna nilang mag-focus sa kani-kanilang showbiz career.


“Napag-uusapan naman namin pero hindi pa ganu’n kadetalyado, wala pang malinaw na plano dahil alam naman namin parehas na hindi naman kailangan pa dahil hindi naman nagmamadali.

“Ngayon, parehas kaming happy sa kaniya-kaniya naming karera. So siyempre kapag nag-settle down kami, gusto sana namin settled na rin ‘yung aming mga personal affairs. ‘Yung aming financial stability dapat intact,” katwiran ng Kapuso Primetime Princess.

Natanong din si Jak kung ang ipinagagawa ba niyang bahay ngayon ay ang dream house na nila ni Barbie. Paiwas na sabi ng binata, “‘Yun nga tanong ko sa kanya, e.”

Paliwanag ni Barbie, “Kailangan tantsahin natin lahat. Huwag tayong maging impulsive sa pagdedesisyon.

“Kasi secured naman kami sa kung ano kami ngayon, kung nasaan level ‘yong relationship namin, secured naman na kami,” sabi ng aktres na umaariba ngayon sa GMA hit primetime series na “Maria Clara at Ibarra.”

Dagdag pa ni Barbie, “Hindi namin kailangan i-pressure ‘yung mga sarili namin into marriage and ‘yung talagang titira sa kaniya kasi nga may kaniya-kaniya pa kaming kailangang i-settle.”

Sabi pa ng dalaga, “Parehas pa kaming very happy sa aming mga careers and gusto pa namin siya talaga i-maximize as much as we can.

“So before settling down siyempre gusto muna namin ma-accomplish and ma-achieve lahat ng kaya namin ma-achieve,” paliwanag pa niya.

Barbie Forteza todo flex kay Jak Roberto, tinawag na ‘tahanan’ ang aktor

Robi excited na sa pagbuo ng sariling pamilya; may sariling hugot sa ‘perfect love’

Arjo Atayde aminadong si Maine Mendoza na ang ‘the one’

Read more...