Kelvin Miranda nagpakatotoo lang: Ang ideal woman para sa akin ay hindi nag-e-exist…no one’s perfect, mapalalaki at mapababae

Kelvin Miranda nagpakatotoo lang: Ang ideal woman para sa akin ay hindi nagexist...no one's perfect, mapalalaki at mapababae

Kate Valdez at Kelvin Miranda

HINDI nagmamadali ang Kapuso matinee idol at singer-actor na si Kelvin Miranda na magkaroon ng girlfriend.

Isa si Kelvin sa mga itinuturing na most promising at pambatong leading man ngayon ng Kapuso Network na napapanood ngayon sa afternoon series na “Unica Hija”.

Kasama niya rito ang Kapuso drama princess na si Kate Valdez. Gabi-gabi silang nagpapakilig at nagpapaiyak sa mga manonood at palagi ring trending sa social media.

Marami ang nagtatanong na fans kung may lovelife si Kelvin kaya naman sa presscon kamakailan para sa kanyang bagong single, ang “Gusto Kita,” sinagot ng aktor ang tungkol dito.


Ibinahagi rin niya kung anu-ano nga ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang babae para pumasa bilang girlfriend niya.

“Magpapakatotoo lang po ako, kasi ideal woman para po sa akin hindi talaga s’ya nag-e-exist. Kasi no one’s perfect, mapalalaki at mapababae.

“Para sa akin kung parehas kayong magko-comprehend sa relationship doon pa lang darating ‘yung idea na siya ‘yung gusto mo, siya ‘yung para sa ‘yo.

“‘Yung makakaintindihan, makakasama mo. Personality… maayos kausap,” pahayag ng binata.

Sey pa ni Kelvin, single na single siya ngayon at hindu siya nagmamadaling pumasok sa isang seryosohang relasyon.

Kelvin Miranda na-diagnose ng bipolar 1, PTSD, ADHD noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic

Bea wala pang planong magpakasal at magkaanak: May taxi? Hindi naman ako nagmamadali

Donny Pangilinan, Belle Mariano natural ang pagpapakilig; bibida sa ‘He’s Into Her’

Read more...